^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kaluwagan sa eskuwelahan, bigyang pansin ng DepEd

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kaluwagan sa eskuwelahan, bigyang pansin ng DepEd

ANG nangyaring pamamaril sa loob ng isang pampublikong eskuwelahan sa Calamba City, Laguna noong Huwebes ng tanghali ay nagpapakita na masyadong maluwag ang school authorities. Kahit sino ay maaaring makapasok at makagawa ng krimen. Saan naman nakakita ng school na wala man lang nagbabantay sa gate ng school. Ang madugong pangyayaring ito ay nararapat pagtuunan ng pansin ng Department of Education (DepEd) para hindi na maulit.

Nakunan ng CCTV ang pagpasok ng isang lalaki sa Castor Alviar National High School sa Bgy. Masili, Calamba City, Laguna. Palinga-linga ang lalaki na tila may hinahanap. Naka-cap ang lalaki at may backpack. Maraming estudyante sa paligid sapagkat breaktime. Maya-maya pa, nakita ang pagpasok ng lalaki sa isang room. Hindi nakita ang aktuwal na pagbaril ng lalaki sa lalaking estudyante na nakilalang si Mark Anthony Miranda, 15.

Ang kasunod na scene ay tumatakbo nang palabas ang lalaki na may hawak na baril. Nagtatakbuhan din naman ang mga estudyante sa iba’t ibang direksiyon dahil sa takot. Hanggang sa matagpuan ang duguang katawan ng estudyante. Isinugod sa ospital ang estudyante pero namatay din dakong alas kuwatro ng hapon ng araw ding iyon.

Ayon sa police report, isang security guard ang suspect na nagngangalang Renan Valderrama, umano’y lover ng estudyante. Ayon pa sa mga pulis, ang suspect ang sumusuporta sa pag-aaral ng biktima. Lumabas din sa imbestigasyon na nagsampa ng sexual abuse ang biktima sa suspect. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pang pinaghahanap ang suspect.

Nakagigimbal ang nangyaring ito na isang estud­yante ang napatay sa loob mismo ng eskuwelahan. Nakapasok ang mamamatay tao na walang nakapansin at parang bumaril lamang ng manok at walang anumang nakatakas.

Ang pangyayaring ito ay dapat magbukas sa isipan ng mga eskuwelahan mapubliko man o ma­pribado na magkaroon ng guwardiya kahit man lang isang tagabantay para mapigilan ang mga taong may masamang tangka. Dapat din namang kumilos ang DepEd para mabigyang solusyon ang kakula-ngan ng personnel sa pampublikong eskuwelahan gaya ng kawalan ng guwardiya. Huwag ipagwalambahala ang nangyari sa Laguna. Maaaring maulit ito kung hindi aaksiyunan ang problema.

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with