^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Inaagawan ng kabuhayan ang mga Pilipino

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Inaagawan ng kabuhayan  ang mga Pilipino

HINDI lamang sa Boracay nagtatayo ng mga pagkakakitaan ang mga illegal Chinese, kundi pati na rin sa Parañaque. Mistulang mga kabute na nagsul­putan ang mga restaurant at establisimento roon. Nagmistulang China town na ang Barangay Tambo kung saan malapit lang dito ang Pagcor Entertainment City. Lahat iyon, pag-aari ng mga Chinese na karamihan ay illegal at walang kaukulang papeles.

Mahusay talaga sa negosyo ang mga Chinese sapagkat alam nilang magbu-boom ang lugar dahil sa mga nakapaligid na sugalan at iba pang pagkaka­libangan. Ang tinatarget nilang mga customer ay mga kababayang Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na ang opisina ay nasa dating Uniwide Coastal Mall. Nagustuhan din umano ng mga negosyanteng Chinese na sa lugar na iyon magtayo ng negosyo sapagkat malapit lamang sa airport.

Sabi ng mga residente, mula raw nang magsul­putan ang mga establisimentong Chinese roon, tumaas na ang value ng kanilang property. Mayroon pang isang residente na inaalok na bayaran ang kanyang pro­­perty para pagtayuan ng restaurant. Kahit daw magkano ay babayaran sa kanya ng Chinese. Parang ginto raw ang presyo ng property sa nabanggit na lugar na dati raw ay walang pumapansin. Pero sabi naman ng ibang residente, ang pagsusulutan ng mga esta­blisimento sa kanilang lugar ay nagdudulot ng grabeng trapik. Halos hindi na umuusad ang trapik dahil sa mga nagsulputang mga establisimento.

Ang pagsusulputan ng mga Chinese restaurant at iba pang establisimento ay nagpapakita lamang na marami na talagang Chinese sa bansa. At hindi ito maganda sapagkat karamihan sa mga establisimento ay walang kaukulang papeles at lumalabag sa ordinansa ng lungsod. Ang masama pa, ang ilang restaurant ay eksklusibo lamang para sa mga Chinese. Bawal ang mga Pinoy. Maging ang pangalan ng mga restaurant ay nakasulat sa Chinese characters.

Marami ang nakitaan na walang business permit. Basta nagtayo lang sila roon at ang ilan ay gumamit ng mga pangalan ng Pilipino bilang dummy. Marami rin nag-ooperate na walang sanitary permit kaya ang mga dumi at basura ay deretso sa mga kanal at waterways.

Hindi nagki-create ng trabaho ang mga Chinese para sa mga Pilipino. Ang ginagawa nila ay para sa mga kababayan nilang Chinese. Dapat ipasara ang mga illegal na establishment na inaagawan ng kabu­hayan ang mga Pilipino.

ILLEGAL CHINESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with