Kalokohan sa BI-NAIA, patuloy?

SIGURO dapat nang tiktikan ng NAIA - NBI ang NAIA Terminal 1 at 2 dahil aktibo diumano rito ngayon ang human smuggling na pinatatakbo nina alyas Boy ‘addict’ at alyas Boy ‘ungas.’

Ang grupo ng mga tirador ay hindi pa rin nabubuwag hanggang ngayon dahil malalakas ang loob nila.

Ano sa palagay mo Timmy Barizo, ang overall chief ng BI Travel Control Enforcement Unit?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila tatantanan ni Barizo sa kanilang kawalanghiyaan?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang usaping human smuggling sa NAIA T3, ay pinatigil diumano dahil sa mga nahugot na pasaherong papuntang Dubai at Malaysia na hindi na turnover sa NAIA - NBI at I-ACT last week.

Naku ha!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malalakas ang loob ng mga tirador sa immigration dahil ang iba sa mga kamote rito ay hindi naalis sa paliparan kundi inilagay lamang sa ibang lugar at terminal sa airport kaya naman tuloy pa rin ang masayang araw nila ngayon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dito masusubukan ang tatag ni Timmy sa pag-monitor niya sa mga gago.

Pakikiramdaman ng mga kuwago  kung susundin siya o hindi.

Sabi nga, mag-isa lang si Timmy sa paniniktik na gagawin nito?

Naku ha!

Paano ngayon?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ding tiktikang mabuti ang operasyon ni Boy ‘addict’ sa NAIA Terminal 2 dahil nga nauulol ito sa droga, tiyak gagawa ito ng gimik para masuportahan ang kanyang bisyo.

Ika nga, human smuggling ! Tama ba, Mr. ‘pisngi?’

Siguro kailangang amuyin ng PDEA sa airport ang operasyon ni Boy ‘addict’ at mag-request ng ‘random drug test’ ang mga ito para magkaalaman na kung sino ang adik.

Abangan.

* * *

Gadget sa ‘O Shopping,’ palpak nang mabili

BUMULONG sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang kapamilya nila para ireklamo ang kalokohan ng ‘O Shopping’ na naranasan nila.

Ayon sa reklamador, bumili siya ng ‘Swiss military cordless drill’ na may SMT 1000-B hammer drill, sa halagang P5,999 matapos niyang mapanood sa TV commercial ng ‘O Shopping.’

Sabi niya, last April 8, 2019 nang nag-order siya nito pero hindi nagtagal ay inireklamo niya na may deprensiya ang nabili niyang gadget kaya naman tumawag siya sa telepono 800-7000 para magreklamo pero matagal itong nag-response sa sumbong. Noong May 19, 2019, ay nag-react ang company sa kakulitan ng reklamador at kinuha ang unit para palitan ng bago?

Ayon sa reklamador, naghintay sila sa unit pero ibinalik sa kanila o na-deliver noong June 18, 2019 ang siste sira pa rin ang unit.

Ika nga, defective?

Tinatawagan na reklamador ang inorderan nito pero pinaiikot-ikot siya.

Ano ang mainam gawin dito?

Sagot — dumulog sa DTI para ireklamo ang problema ng reklamador. Abangan!

Show comments