Maitim na kilikili: Ano ang lunas?
MARAMING dahilan ng pag-itim ng kilikili.
1. Ang mga taong may diabetes ay puwedeng mangitim ang kilikili. Gamutin ang diabetes para mabawasan ang pag-itim.
2. Puwedeng namana sa magulang. May mga tao na maitim ang kulay ng balat, kasama ang kilikili.
3. Ang sobrang pagkuskos ng kilikili at paggamit ng nakaiiritang deodorant ay puwedeng magpaitim ng kilikili.
4. Ang sobrang pagbunot o pag-ahit ng buhok sa kilikili ay puwedeng magdulot ng impeksyon at pigsa. Dahil dito, puwedeng magbukul-bukol ang kilikili.
5. Huwag magsuot ng masikip na damit dahil magkikiskis ang kilikili rito.
6. Magpapayat din dahil kapag malaki ang ating braso, gagasgas at maiipit din ang balat ng kilikili.
Ayon sa dermatologists, heto ang napatunayang paraan para pumuti ang kilikili:
1. Puwedeng gumamit ng “gentle cleanser” at tuwalya at dahan-dahang kuskusin ang kilikili. Dahan-dahan lang para matanggal ang “dead skin cells” o matigas na balat. Huwag sosobrahan ang pagkuskos at baka lalong umitim ang kilikili.
2. Puwedeng gumamit ng moisturizer at oils para lumambot and balat.
3. Ayon sa dermatologists, puwede naman ang honey na panglinis. Ngunit mag-iingat sa paggamit ng kalamansi at lemon, dahil puwede itong makasugat sa balat kapag nasobrahan.
4. May nirereseta ang doktor na cream, ang tawag ay tretinoin (Retin-A) na puwedeng magpaputi ng balat. Kumunsulta sa doktor.
5. Sa mga department store, puwedeng bumili ng alcohol-free deodorant.
May mga home remedies na posibleng makatulong, pero hindi pa ito tiyak:
1. Baking soda – Ihalo ang baking soda sa konting tubig. Ipahid ito sa kilikili para bahagyang matanggal ang dead skin cells.
2. Pipino – Pigain ang pipino at ilagay ang katas nito sa kilikili. Hayaan ng 30 minutos.
3. Lemon o kalamansi – Ihalo ang katas nito sa 2 kutsara ng tubig para mabawasan ang pagiging matapang o acidic nito. Hayaan ang katas ng 10-15 minuto at saka hugasan. Gawin ng 2 beses bawat linggo.
4. Coconut oil – May taglay na vitamin E ang coconut oil. Imasahe ang coconut oil sa kilikili. Hayaan ng 10-15 minuto. Hugasan ng tubig at mild soap. Gawin 2 beses sa maghapon.
Tandaan: Ang mga lunas na ito ay hindi 100% epektibo. Maghihintay pa ng mga 6 linggo bago magkaroon ng konting pagbabago. Kumunsulta sa dermatologist para sa inyong katanungan.
- Latest