ANG pagsabi ng KATOTOHANAN ay may KAHIHINATNAN. Good or bad! Depende sa taong nagpapahayag o “mamamahayag”. Estilo kung tawagin.
A particular style makes a fighter in the ring. A particular style makes a businessman successful in his field. The bottomline is truthfulness and sincerity. But emotion is out of the question.
Kung ika’y pahayagan, TV o radio network man o anumang media outlet, may sariling pamantayan sa pamamagitan ng ethics, values protocols and procedures. Sumatotal, sa estilo’t pamamaraan ng isang indibidwal man o organisasyon, nagiiwan ng tatak sa mga tumatangkilik at sa mga tumutuligsa.
May estilong hindi kanais-nais sa pananaw at panlasa ng iba. May estilong pangkaraniwang hindi napapansin dahil sadyang ayaw pansinin. May estilong katanggap-tanggap dahil sa pagiging disente, pino at pulido na siyang nagiging panukat. May estilong brusko, magaspang at maanghang. Sadyang nagpapatawa, marunong umunawa at maawa, matulungin sa mga taong nasa ibaba.
Linawin natin, ‘di n’yo magugustuhan ang estilo niya pero may laman at katotohanan. Hindi niya lang napigilan ang kaniyang emosyon. Kung sino pa yung brusko, magaspang, mayabang at sabihin niyo nang may “pagka-bastos”, pinagkakatiwalaan ng mga taong nasa ibaba at walang mga boses.
Lahat nagkakamali at natututo. Walang perpekto. May kasabihan sa Ingles, it’s never a mistake or a failure as long as you learned from it. Magkahalintulad ito sa kasabihang Crisis is a backdoor to an opportunity. It’s just a matter of finding that door.
Uulitin ko, iisa lang ang daan patungong KATOTOHANAN. Magkaiba ang KAHIHINATNAN. Hindi ko estilo tulad ng dalawang kapatid ko na sabihin sa publiko na mali si Erwin at dapat magpaumanhin. Si Erwin, ay kinausap ko at binigyan ng puwang na mag-isip na tuwirin ang kaniyang pagkakamali.
Nagpaumanhin na ng dalawang beses sa media si Erwin. Sa taong nasaktan, kung ayaw mong tanggapin, huwag mong patawarin!
Huwag na huwag mong lalagyan ng presyo at mga kondisyones ang iyong pagpapatawad!
Pare-pareho tayong nasa panig ng pamahalaan. Hindi tayo magkakalaban, hindi lang tayo nagkaintindihan. Sabi nga ng Palasyo sa media, its time to move on!
Sa mga haters, bashers at mga tumutuligsa, may karapatan kayo sa inyong damdamin. Walang karapatan ang sinuman sa inyong magbanta at magsabing panahon na para gantihan at itumba ang utol ko. Hindi kami nabubuhay sa prebilehiyong ipinagkaloob sa amin ng PNP. May presyo ang prebilehiyong mag-secure sa amin, hindi ito libre.
Simula’t sapul, mga professional ring fighters at licensed protective agent ang nasa hanay ng BITAG. Kaya kong ibahagi ang ilan sa security ng BITAG para sa seguridad ni Tol Erwin sa mga panahong ito.