BI-NAIA pumalpak sa Malacañang officials
NAKAKAHIYA ang nangyari sa mga entourage na kasama ni Boss Digong at pati ito noong umalis sila papuntang Japan last Tuesday night sa NAIA nang tatakan ang kanilang mga passports ng immigration officers.
Bakit?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, imbes na tatakan ng immigration departure stamps clea-rance ang kanilang mga passports ay immigration ‘arrival stamp’ formalities ang naipalo rito.
Ano ba ito?
Mukhang sinabotahe pa ang mga government officials na nagsipunta sa Japan?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, buti na lamang at pagdating sa Japan ay may VIP protocol para sa kanila at hindi na binulatlat ang kanilang mga Philippine passports.
Kung nagkataon nabuko ito sa Japan tiyak laking kahihiyan ng Philippines my Philippines at pagtatawanan tayo roon.
Ano sa palagay ninyo?
‘Hindi kasi mapapansin na arrival stamps ang naipalo sa passports ng umalis sila sa NAIA dahil sa rami ng mga tatak ng arrival/departure stamps sa mga passports ng ating mga government officials na kasama sa entourage.’ sabi ng kuwagong Kamote.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang maganda nito ng bumalik sa Philippines my Philippines ang mga entourage ni Boss Digong ay mabilis na tinatakan ng departure stamps naman ang kanilang mga passports imbes na arrival stamps ang itinatak,
‘Niretoke ang dates ng departure at arrival para hindi na magkahalataan pa at parang walang nangyari.’ sabi ng kuwagong mangmang.
Sabi nga, wow mali!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mananagot dito ang mga opisyal ng Bureau of Immigration dahil sa isyu ng katangahan at ‘command responsibilities.’
Abangan.
- Latest