Aberya sa NAIA T2
PARANG ‘crying like a cow’ ang madlang pasahero na dumating sakay ng iba’t ibang international flight sa NAIA Terminal 2 last Saturday.
Sabi nga, buwisit na buwisit ang mga ito at nanggagalaiti sa galit!
Bakit?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tumagal ng halos dalawang oras bago nila nakuha ang kanilang mga bagahe sa arrival baggage conveyor at ang pinakamasama pa dito grabe ang init na naranasan nila at halos hindi na sila makahinga?
Bakit?
Sira ang aircon!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong mga oras na nanggagalaiti ang mga pasahero sa galit ay naranasan nila ang pagkapantay-pantay nila sa arrival area.
Sabi nga, walang mayaman, walang mahirap, walang sikat, walang laos, walang mataas, walang maliit, mapa-bata o matanda, bungal o pustiso, may anghit o wala, tomboy o bakla lahat sila nakaranas ng pighati sa mga oras na inaantay nila ang kanilang mga bagahe para makauwi sa kani-kanilang bahay.
Ika nga, on the level lahat....Hehehe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, buti na lamang at si Boss Digong ay sa may Balagbag dyan sa Philippine Air Force bumaba from the airplane na sinakyan niya dahil kung dito siya sa NAIA T2 baka nagulo ang buhok nito sa buwisit at galit?
Ang mga nakaranas ng pighati noong mga oras na nagka-problema sa NAIA T2 ay ang mga aparador este mali Cabinet members pala na kasama sa biahe ni Boss Digong specially si Secretary Panelo.
Isa ito sa mga buwisit na buwisit!
Dapat lang!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-sorry agad si MIAA general manager Ed Monreal sa pangyayari dahil nagkaroon ng aberya sa international arrival area ng NAIA T2 dahil sa renovation dito.
Ayon kay Monreal, nang mabalitaan niya ang nangyari ay agad na ipinatawag nito ang contractor ng airconditioning unit para alamin ang diprensiya kung bakit nagka-aberya pero dumating ito kinabukasan pa kaya naman may dapat ipaliwanag ang mga airconditioning contractor nito sa kanila.
“Hindi namin magalaw ng mga engineers namin sa MIAA ang airconditioning units dahil mawawala ang ‘warranty’ nito oras na kami ang gumawa,” sabi ni Monreal.
Gayunman, panay ang sorry ni Monreal sa mga nakaranas ng aberya sa airport.
Ano kaya ang masasabi dito ng mga banyagang nakaranas ng kapalpakan sa NAIA?
Abangan.
Wakwakan sa pagka-Speakership?
HINDI mawala-wala ang agam-agam tungkol sa diumano’y talamak na vote buying sa Kamara para pumalit kay Speaker GMA sa iiwanan nitong puesto next month. Ang problema nga lang puro kuento o tsismis ang nangyayari sa suhulan ng salapi dahil hindi naman kayang patunayan nito ng mga nag-aakusa o aamin tungkol sa pera-pera system o lagayan blues sa mga kongresista na binibili ang boto nila?
Sabi nga, fake news?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may isang kongresista na gustong-gustong maging ‘Speaker’ ang pinaimbitahan daw ang mga kongresista sa isang short pulong dyan malapit sa Mitra building, kailangan magpunta raw ang mga interesado sa short meeting between 10 to 5 pm last June 3, pero nagtataka ang mga ‘spy’ sa sinasabing meeting dahil paisa-isa at labas-pasok ang mga pumupunta doon?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Anong mayroon sa short meeting?
Sinasabing may abutan daw?
Naku ha!
Ano kaya iyon?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last time daw ay ibinulgar diumano ni Rep. Bebot Alvarez na may buhusan diumano ng salapi para sa agawan ng Speakership of the House at hindi biro ang mga halaga?
Ika nga, P500,000 galing sa isang kongresista pero dinoble daw ito ng isang kalabang kongresista at ginawang P1 million per tongresman?
Naku ha!
Ano ba ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi naman sinabi ni Bebot kung sino ang mga nagpapakawala ng salapi, basta ang bida niya ay mayroon daw?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Bakit ayaw niyang pangalanan para matapos na ang isyu at magkaroon ng patas na halakhakan este mali halalan pala sa agawan ng Speakership?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa sa nag-doble ng halaga ng tongpats ang may back-up funds daw sa isang billionaire na asset nito at ang ipamimigay na salapi nito ay balewala sa kanyang bossing basta ang importante ay maproteksyonan ang negosyo nito habang nakaupo bilang ‘speaker’ ang kanyang minamanok?
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ipamumudmod na salapi ay balewala sa ‘funder’ ng gustong kumuha ng trono sa Kamara kaya naman kumakalat ito ngayon sa apat na sulok ng gusali ng Kongreso?
Naku ha!
Ano sa palagay ninyo?
Abangan.
- Latest