^

PSN Opinyon

Self defense - Col. Rossel Cejas

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

DEADBOL ang sira ulong adik na si Carl Bananola, ang pumatay sa mag-watot na senior citizen na amo niya nang mang-agaw ng boga ito sa police escort niya yesterday.

Buti nga!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sakay ng police car ang suspek sa pagpaslang sa mag-asawang senior citizen nang agawan ng baril ang isa sa mga pulis escort nito habang sakay ng QCPD mobile car the other day.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, self defense ang nangyari ng bogahin ni Col. Rossel Cejas ang kamoteng suspect dahil nakita nitong inagawan ng boga si Sgt. Alex Icban.

Nakiusap si Carl, sa mga police na luwagan ang posas niya dahil masakit ang kanyang kamay kaya pinagbigyan ito ni Icban pero inagaw ng suspect ang baril ng huli kaya, nang makita ni Cejas ang pangyayari, pinutukan niya si Bananola na ikinamatay nito.

‘Iba ang isip ni Bananola, may criminal instinct ang utak niya, dahil gumagamit ng droga kaya kung hindi siya naunahan ng putok, tiyak si Icban ang patay o ang mga police na kasama niya sa mobile car.’  sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinatay at pinagnakawan ni Bananola ang mag-asawang Nicolas at Leonora Austria, sa kanilang haybol samantala ang katulong na si Editha Fernandez, 63, ay kritikal na dinala sa ospital.

Inamin ng suspek na naka-droga siya nang gawin ang krimen at pagnanakaw lang ang pakay pero nanlaban umano si Nicolas kaya nito napatay at ang kanyang misis.

Pinagsasaksak at pinagpapalo ng tubo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang ‘octogenarian couple’ na nagresulta ng kanilang kamatayan. 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Bananola ay  nasungkit last Tuesday sa lungga nito sa Caloocan City.

Ano ngayon ang mangyayari kay Cejas?

Siempre iimbestigahan ito!

Kaya lang self defense ang ginawa niyang pagbaril sa adik.

Abangan.

* * *

Speakership, piliin ang tama!

MUKHANG mabigat ang akusasyon sa dalawa umanong manunuhol at bumibili umano ng boto para isa sa kanila ang tanghaling kampeon at maging Speakership sa Kamara?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinasabi na ang isa sa dalawa ay nagpapa-pirma ng ma­nifesto of support kapalit ng P500,000.

Ika nga, walang commitment sa mga papatol sa pera?

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO ang isa naman nang mabalitaang nagpakawala ng salapi ay nag-alok naman ng P1 million basta siya ang bitbitin at iboto.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

May promise pa daw na walang kongresista ang hindi mabibigyan ng funding kahit kalaban pa ito ng administrasyon?

Nabalitaan ng nag-alok ng P500,000 na dinoble ng kalaban niya ang perang ipamumudmod kaya ginawa naman P2 million ang budget na ibibigay?

Saan kaya galing ang ipamimigay na salapi?

Abangan.

HOUSE SPEAKERSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with