ISANG kasinungalingan ang kumakalat na balita na nam-bully daw si elected Taguig Rep. Alan Peter Cayetano sa ginawang pulong sa Partylist Coalition Foundation Inc.
Sabi nga, hindi totoo!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinalalabas na sinabi raw ni Cayetano na kaibigan siya ng mga kongresistang sumusuporta sa kanya pero kalaban ng mga kongresista na kontra sa kanya.
Naku ha!
Ano ba ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, taksang-taksang mga usapin o tsismis ang lumalabas para sirain ang kredibilidad ni Cayetano dahil umiinit na ang usap-usapan sa Kongreso sa agawan sa pagka-Speakership dito ngayon na papalit kay Speaker GMA pagbaba niya sa kanyang trono.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tumitindi ang bakbakan ngayon sa Kongreso, kaniya-kanyang kabig kung sino ang mamanukin ng mga kongresistang balak maging House Speaker kaya naman matindi ang tiryahan dito ngayon.
Sabi nga, kung mahina ang dibdib mo, tiyak wakwak ka!
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinabulaanan ni 1Pacman partylist Rep. Mikee Romero, pangulo ng PCFI, na walang katotohanan ang mga ibinibintang kay Cayetano.
Ika nga, naging maayos, productive at cordial ang usapan ng grupo kay Cayetano.
Sabi ni Romero, mapagkumbaba si Cayetano, ni hindi nito binanggit sa usapan ang pangalan ni Boss Digong kaya alam namin na walang yabang sa katawang bitbit si Alan noong meeting.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil matindi ang mga kongresistang gustong maging Speaker kaya naman ang mga kabig ng ilan sa mga ito ang siyang gumigimik para magka-windang-windang ang lalaban.
Ano sa palagay ninyo?
Abangan.
House panel approves OFW hospital
TIYAK na matutuka este mali matutuwa pala, ang mga tinaguriang “unsung heroes” o Overseas Filipino Workers dahil minamadali na para magkaroon ng isang ospital na tutugunan ang mga health care needs ng mga OFWs at pamilya ng mga ito sa Philippines my Philippines.
Sabi nga, salamat sa mga maunawaing mga kongresista lalo na kay Speaker GMA!
Si Speaker GMA pala ang nagpakapagod at nakaisip ng magandang konsepto para itayo ang OFW hospital!
Naku ha!
Thank you, very much for your kind heart, Speaker!
Kambiyo issue, ang House Committee on Health chaired sa pangunguna ni Rep. Angelina Tan (4th District, Quezon), sa isang pulong sa House Committee on Appropriations ay inaprubahan last time ang House Bill 9194, na naglalayong magtatag ng isang ospital upang magsilbi sa mga pangangailangan sa kalusugan ng mga OFWs.
Si dating Pangulo at ngayo’y Speaker Gloria Macapagal Arroyo, ang principal author nito. Ang panukalang-batas ay nagbibigay para sa pagtatatag ng isang ospital na hindi bababa sa isang tertiary level ng pag-aalaga at kikilalanin ito bilang OFW hospital.
Nagkaroon ng groundbreaking sa Pampanga dahil dito ititirik ang OFW hospital.
Ibinida ni GMA na ang lupang gagamitin at gusaling itatayo ay libre. Ang DOH aniya ang siyang bahala sa operating expenses dito.
Ang bill na nagbibigay sa OFW Hospital ay dapat na binuo alinsunod sa mga pangangailangan ng pangangalaga ng kalusugan ng mga OFW at kanilang mga dependents.
Dapat itong maging sa ilalim ng ganap na administrative at teknikal na pangangasiwa ng DOH.
Isa sa mga layunin ng OFW Hospital ay magbigay ng komprehensibong mga serbisyo ng pangangalaga ng kalusugan sa lahat ng mga migranteng manggagawa na OWWA contributors at ang kanilang mga legal dependents.
Nilalayon nitong magsagawa ng medikal na pagsusuri upang matiyak na ang pisikal at mental na kakayahan ng mga magiging overseas contract workers gaya ng nararapat na sakop ng isang aprubadong job order.
Tiyak na masaya ang mga OFWs at mga pamilya nito oras na maitayo ang OFW hospital.
Abangan.