Mga pekadores huli ng BI - TCEU sa NAIA

Matindi talaga ang sindikato ng human trafficking sa Naia. Lahat ng paraan, ginawa at iniisip ng mga kamote, makalusot lang ang mga pasahero nito at magkamal ng salapi ang mga lintek.

Nakausap ng Chief Kuwago si Erwin Ortañez, hepe ng Travel Control Enforcement Unit o TCEU, dahil nakahuli na naman sila ng 2 OFW papuntang Dubai bitbit ang mga pekeng overseas employment certificate documents ng POEA.

Ika nga, nasalto nila!

Akala ng mga pekadores syndicate ay makakalusot ang kanilang gimik kina Kate Martinez at Randy dela Cruz ng TCEU plus sa immigration officer na si Soriano.

Iyon pala hindi. Nasupalpal ang mga palakad ng pekadores group!

Ang dalawang bebot na may pekeng OEC documents ay inilipat ng BI sa I-ACT para sa masusing imbestigasyon.

Ano sa palagay ninyo? 

Uulit pa kayo?

Sabi nga, try and try until you succeed!

Abangan.

Ghost train?

SANGKATERBANG pasahero ng LRT 2 ang nasaktan nang magbanggaan ang magkaka-kuwadra na LRT train the other night dyan sa Kyusi.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 34 ang nasaktan samantalang apat sa mga ito ay empleado ng LRTA na isinugod sa iba’t ibang kalapit na Kyusi hospitals.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang karamihan sa nagkaroon ng minor injuries ay pinauwi na pero may mga naiwan pa rin pero pinauwi na yesterday.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mabilis na iniutos ni LRTA Administrator retired General Rey Berroya na asikasuhin ang mga nasaktan na pasahero, bigyan ng compensation ang mga ito, at bayaran ang mga ospital, gamot echetera habang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon kung bakit nagkabanggaan ang dalawang LRT trains.

“Gabi nang mangyari ang disgrasiya sa may Cubao Station at Anonas Station sa Kyusi,” sabi ng kuwagong umaaray.

Ayon kay Berroya, nakahimpil ang tinatawag na ‘dead train’ pero, sa hindi malaman na dahilan, bigla itong umandar papunta sa riles na dadaanan ng isa pang train kaya, hayun, nagkaroon ng banggaan.

May multo kaya?

Abangan.

Show comments