^

PSN Opinyon

Mga isyu sa pambansang kalusugan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY nakausap akong may kilalang doktor sa health center ng isang malaking siyudad. May daing na kulang na kulang talaga ang doktor sa health center. At may mga okasyon na sila pa ang nagiging masama sa mata ng mga pasyente­. Isipin na lang ang dami ng mga pasyente sa isang araw, kung kulang nga sila para maasikaso ang lahat. May mga nananamantala rin ng sistema ng bawat lokal na health center. 

Ito ang estado ng kalusugan ng bansa. Kulang ang doktor, kulang ang nurse, kulang lahat at pinagsasamantalahan ang sistema o proseso. At hindi lang mga health center ng gobyerno ang may kakulangan ng tauhan. Pati mga kilalang mamahaling ospital ay may kakulangan din ng nurse. Hindi talaga maitatapat ang sahod nila rito, sa sahod na makukuha nila sa ibang bansa, lalo na’t may mga bansang nagbukas pa ng trabaho para sa mga nurses­. Kung matatapatan lang sana ang sahod, hindi na aalis ang mga nurse at sino pang nagtatrabaho sa industriya ng kalusugan.

Malayo pa rin tayo sa mga bansang nakapagbibigay ng libreng paggamot sa lahat. May ilang lokal na pamahalaan na nakapagbibigay ng tulong, halimbawa sa dialysis, pero hindi ito walang hangganan at maraming pasyente ang ka­ilangan din ng tulong. Ganundin ang sitwasyon sa mga ospital ng estado. Nakakatulong sila, pero hindi rin walang hangganan. Malungkot isipin na maraming pasyente sana ang matutulungan, kung malaki rin ang nakukuhang pondo ng mga estadong ospital mula sa gobyerno. Pero ganundin, hindi ito walang hangganan.

Ito dapat ang tinatalakay nang husto ng mga mambabatas. Kung naipatupad ang murang gamot, ang kailangang isunod ay mura o libreng paggamot sa mga ospital. Ang kalusugan ng bansa ay kasing halaga ng edukasyon. Kailangang pagandahin at ayusin ang pambansang programa ng kalusugan. Kung nadagdagan din lang nang husto ang buwis na binabayaran ng mamamayan dahil sa TRAIN, dapat may malaking bahagi ang nakukuha ng kalusugan mula sa karagdagang buwis.

HEALTH CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with