'The Big One! Ito na ba?'

Naramdaman mo ba yung lindol noong ika-22 ng Abril? Nasaan ka noong nangyari ito?

Ako, nakahiga sa aming sofa nang bigla na lang nanginig ang aming bintana at gumalaw ang aking higaan. Akala ko nga may tumutulak lang sa aking sofa. After a few moments, noong nag check na ako sa social media, ayun na! Na confrim ng Philvocs na niyanig ng 6.1 magnitude na lindol and Castillejos, Zambales; nadama ng Central Luzon at ibang parte ng Metro Manila ang lindol. Isang araw lang ang pagitan at dumaan din ang matinding 6.5 magnitude na lindol na yumanig naman sa San Julian, Eastern Samar at iba pang lugar sa Visayas. At sumunod na araw pa, sa Davao naman na may naramdamang 4.7 magnitude na lindol. Marami ang napinsala, nasaktan at namatay lalo na sa gusaling bumagsak sa Pampanga.

Maraming nakatira at nagtratrabaho sa matataas na gusali ang natakot at nangamba. Kaya tuloy, hindi mawala-wala sa isipan ng mga tao ang meme na kumakalat ngayon sa social media, na ito na ba ang paramdam ng “The Big One”? 

Napapaisip tuloy tayo kung ano nga ba ang tamang tanong na dapat nating itanong sa ating mga sarili sa mga panahon na ganito:

Kailan darating ang “The Big One”? O hindi kaya, handa ba ako kung sakaling dumating nga ang “The Big One”?

Buti pa ang bagyo, may babala at malalaman natin kung kailan ito darating. Pero may mga pangyayari na tanging ang Diyos lang ang nakakaalam kung kailan ito mangyayari kagaya ng mga sakuna. Ang tungkulin naman natin ay ang siguraduhing maging handa tayo sa mga ‘di inaasahang pangyayari.

Isa sa mga paghahanda na pwede nating gawin ay ang pagkakaroon ng proteksyon sa ating ari-arian at buhay.

Pero ang nakakalungkot, ayon sa research na isinagawa, 16% lang ng mga Filipino na nasa middle-to-upper-income earners ang may insurance. Ang tanong, kasama ka ba sa 16% na yon?

Kung mahalaga ang pagkakaroon ng proteksyon, bakit kaya marami pa rin sa ating mga kababayan ay wala nito? 

'Wala akong pera'

“Kapos na nga ang kita ko, paano pa ako kukuha ng proteksyon para sa akin at aking pamilya?” Yan ang madalas kong naririnig tuwing may mag attend ng aking seminar. 

Sa totoo lang, lahat naman tayo ay may kita. Ang tanong, “Saan lang ito napupunta?” 

Kain Sa Labas - P1,000 per meal x every Sunday  = P48,000 per year
Milk Tea - P100 x 2 per week = P800 per month x 12 months = P9,600 per year
Kape - P100 x 2 per week = P800 per month x 12 months = P9,600  per year

Kita mo? May kita tayo. Ang tanong, “saan lang ito napupunta?” Kung i-convert mo lang ang ilan nito sa pangpuhunan mo sa pagkuha ng proteksyon, ‘di ka na magkakaroon ng problema pag may mga dumating nang hindi inaasahan.

Walang sense of urgency

Hindi naman urgent yung healthcard, nagiging urgent lang ito kung may nagkaroon ng karamdaman at malaki na ang hospitalization bills mo.
Hindi naman urgent ang pag maintain na iyong sasakyan, nagiging urgent lang ito kung may nasira nang spare parts at malaki na ang iyong babayaran. So yung urgent ay nagiging important na.

Kung hindi mo pinagamot ang mahal mo sa buhay baka lalo pa itong lumubha.
Kung hindi mo pinaayos yung sasakyan mo, hindi mo na ito magagamit.
Sayang yung hinulog mo nang limang taon.

Naintindihan mo ba ang ibig kong sabihin? Hindi naman sa wala tayong pera. Karamihan ng tao hindi ito nakikita na urgent. Nagiging urgent lang kapag may nangyari nang hindi inaasahan. 

Mas maganda yung lagi kang handa. Hindi mo hihintayin na may mangyari bago ka maghanda dahil ito ay huli na. Kaya nga may kasabihan na nasa huli ang pagsisisi.

Tsaka na lang mentality

“Bata pa naman ako.”
“Wala namang nangyari.”
“Hindi ko pa naman kailangan.”

Hihintayin mo ba na kung kailan matanda ka na saka ka lang kukuha? Too late!

Hihintayin mo ba na kung kailan lang may nangyari na sayo saka ka lang kukuha? Too late!

Hihintayin mo ba na kung kailan kailangan mo lang saka ka kukuha? Too late!

Ano ba ang priority mo sa buhay? Magpakasarap now and face the consequence later, or mag handa now at magkaroon ng peace of mind later?

Ang pagkakaroon ng proteksyon sa buhay ay isa sa mga mainam na paraan upang maging handa sa kung anoman ang maaaring mangyari sa hinaharap. Walang nakakaalam kung ano ang maaring mangyari, kaya malaking tulong na may pera kang maaring makuha sa insurance companies, sa mga panahong kakailanganin mo ito. Marami ang nagdadalawang isip na kumuha ng proteksyon dahil sa kakulangan sa edukasyon at impormasyon tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng proteksyon. 

Maraming katanungan kagaya ng: 

Anong uri ng insurance ang dapat na kunin? Sapat ba ang kinikita para mabayaran ang insurance? Covered ba ng insurance ang mga kalamidad kagaya ng pinag-usapan natin na lindol? Sino-sino ang maaaring mag benepisyo sa insurance?

May mga kasagutan ang lahat ng iyong katanungan, ang kailangan lamang ay bukas na pag-iisip at matutong magtanong sa mga taong may alam.

Think. Reflect. Apply.

Ikaw kapatid, may insurance ka na ba?
Protektado ka ba at pamilya mo?
Kung wala pa, ano pa ang hinihintay mo?

 

Para sa mga karagdagang tanong tungkol sa life at non-life insurance, bumisita lang sa https://www.bdo.com.ph/bdolife/customer-service-contact-points at https://www.bdo.com.ph/personal/insurance/contact-us.

Show comments