MUKHANG sasabit ang pangarap ni QC Rep. Bingbong Crisologo para maging alkalde ng Kyusi at makapagpatayo ng panaginip niyang sports coliseum sa loob mismo ng Quezon City elliptical circle, oras na matalo niya si Vice Mayor Joy Belmonte, sa May 13, 2019 election.
Naku ha!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, alam ng madlang residente sa Kyusi na hindi kayang talunin ni Bingbong si VP Joy sa pagka-alkalde kahit pa tsamba lang!
Bakit?
Iiwanan ng milya-milyang boto ni Joy si Bingbong pagdating ng bilangan ng boto. Alam ito ng mga supporters ng huli kaya lang pinalalakas lang nila ang loob nila.
Sabi nga, umaasa silang may himala at tsamba para talunin si Joy?
“Noong araw pa sinabi ni Nora Aunor na walang ‘himala,’ sa pelikulang pinilahan at pinagbidahan nito, may ilang dekada na ang nakakaraan,” sabi ng kuwagong nakanganga.
Kambiyo issue, sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mas mabigat na problema ngayong nalalapit ang erection, este mali, election pala si Bingbong.
Ano?
Sagot - nabistong peke diumano ang signature ni dating Pangulong Apo Marcos sa ‘absolute pardon’ documents na iwinagayway ng kampo matapos itong makulong at palayain sa bilibid maraming years na ang nakakaraan.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon lang napagtanto ang ‘absolute pardon’ documents ni Bingbong dahil nahimay ng husto ang mga papeles niya nang makuha ng complainant.
Sinampal, este mali, sinampahan pala noong una ni Sophie Zamora ng Kyusi si Bingbong sa COMELEC dahil sa isyu ng ‘conditional pardon’ at ‘absolute pardon’. Nabukong peke ang pirma ni Apo Marcos sa documents na kinukuento, este mali, kinukuestiyon ngayon ng nagreklamo.
Noong hindi pa nabuko na peke ang pirma ni Apo Marcos sa absolute pardon documents, ito ang ipinakikita ng kampo ni Crisologo kaya ito nakatakbo noon bilang City Councilor, Congressman ng Kyusi.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may handwriting at document expert ang bumusisi sa ‘absolute pardon’ documents at sa signature ni Apo Marcos na siya ngayon ang isyung pinag-uusapan natin.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaking palaisipan sa mga nagrereklamo kung saan nakakuha ng absolute pardon si Bingbong samantalang ang nasa government office na pinagkunan nila ay conditional pardon ang naibigay lamang.
Naku ha!
Ano ba ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa pangyayaring ito, hindi dapat umupo sa kahit anong posisyon sa government Republic of the Philippines si Bingbong dahil nga alaws siyang absolute pardon.
“Fake nga siguro ang ibinigay na absolute pardon na pirmado ni Apo Marcos sa dokumento?” sabi ng kuwagong pakaang-kaang.
Kung sa paghimay-himay ng mga dokumento na ibinigay ng kampo ni Bingbong at mapatunayan na peke ang mga ito, hindi rin siya makakaporma kung manalo siya sa laban?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sabit si Bingbong sa mga kasong isinampa, tiyak lahat ng mga natanggap niyang suhol este mali sahod pala sa gobierno ay kailangan niyang ibalik mula nang magtrabaho ito sa gobierno.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon ilang dekada na ang nakakaraan, nasentensiyahan si Bingbong ng double life na pagkakabilanggo sa kasong arson at arson with homicide dahil sa panununog sa Bantay, Ilocos Sur.
Ano ngayon sa palagay ninyo hindi na rin kasi siya puedeng humawak ng ano mang uri ng position sa gobierno kung positive ang reklamong ito?
May panalo pa ba ito?
Sabi nga, to be or not to be!
Abangan.