^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Corruption sa Bureau of Immigration

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Corruption sa Bureau of Immigration

HINDI pa nalulutas ang pang-eextort ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa 15 South Koreans ay meron na namang lumulutang na katiwalian --- human smuggling naman! Nagagawa ng mga corrupt sa Immigration ang human trafficking sa pakikipagkutsaba naman sa mga corrupt din na tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi mismo ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang sangkot sa human trafficking ay mga opisyal ng immigration na naka-assigned sa port operations divisions. Ayon kay Morente, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon para mahubaran ang mga corrupt sa Immigration at ganundin ang mga corrupt sa NAIA. Sinabi pa ng Immigration chief na may mga kasangkot ding iba pang ahensiya sa raket. Isinalarawan ni Morente na highly lucrative human smuggling ang activities ng mga corrupt sa Immigration at NAIA. Isasampa umano niya sa Department of Justice ang kasong ito para maging mabilis ang imbestigasyon. Ang Immigration ay nasa ilalim ng DOJ.

Kakahiya ang nangyayaring ito sa Immigration na marami palang corrupt na tauhan at inamin mismo ito ni Morente. Hindi pa nga nalulutas ang nangyaring extortion sa 15 South Koreans ay may panibago na namang kaso. Ayon sa report, ang mga Koreano ay pinigil ng mga Immigration offi­cials sa Angeles City, Pampanga noong nakaraang Marso 6 dahil sa overstaying.

Tinakot umano ng mga BI officials ang mga Koreano na ikukulong kung hindi magbibigay ng P280,000 hanggang P1 milyon. Walang nagawa ang mga Koreano kundi magbigay. Umaabot sa P9.4 milyon ang nakuha ng mga extortionist mula sa Immigration.

Talamak ang katiwalian sa BI at ito sana ang harapin ni President Duterte. Sibakin ang mga corrupt sa BI. Dahil sa kanila kaya matatakot ang mga turista na bumisita rito. Dahil sa ginagawa nila, malamang na hindi na magtungo rito ang mga Koreano. Sila pa naman ang number one visitors ng bansa.

BUREAU OF IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->