^

PSN Opinyon

Social security at welfare services sa mga golf caddies et al

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

INAPRUBAHAN ng House Committee on Labor and Employment sa pamamagitan ni Nueva Vizcaya Rep. Luisa Lloren Cuaresma, ang House Bill 9160 na naglalayong ipatupad ng mga golf club na magbigay ng social security at welfare benefits sa mga golf caddies at iba pang mga manggagawa kaugnay na serbisyo ng isang shared contribution scheme. 

Ibinulong sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat i-accredit ng management ng bawat golf club ang mga golf caddies at iba pang kaugnay na mga manggagawang tagapagsilbi na pagbigay ng serbisyo sa mga manlalaro ng golf club. 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bill ay nagbibigay kapangyarihan na dapat masakop ang mga golf caddies ng mga benepisyo ng SSS, Home Development Mutual Fund o ang PAG-IBIG Fund, at PhilHealth kapag na-accredit na sila ng pamamahala ng golf club. 

Ang pagbabayad ng SSS, PAG-IBIG Fund at PhilHealth sa buwanang kontribusyon ay magkasamang ibinahagi sa pamamagitan ng mga golf caddies at iba pang kaugnay na mga service workers, at ang  golf club management batay sa mga umiiral na mga patakaran at regulasyon ng batas. 

Ang mga golf caddies at iba pang kaugnay na mga service workers ay may karapatan sa retirement benefits sa ilalim ng Republic Act No. 8282, o ang “Social Security Law” at iba pang mga umiiral na mga batas. 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang management ng golf club ay dapat mag-isip at magtatag ng isang mekanismo para sa koleksyon ng SSS, PAG-IBIG Fund, at PhilHealth para sa buwanang kontribusyon mula sa caddies at iba pang kaugnay na service workers. 

Para sa kaalaman ng madlang people na hindi marunong maglaro ng golf ang isang golf caddy ay isang taong tumutulong sa isang manlalaro ng golf sa pamamagitan ng pagdala ng kanyang golf at iba pang mga kagamitan at nagbibigay ng payo at moral support sa mga golf players habang sila ay nasa golf course at naglalaro nito.

Bukod dito, ang mga caddies ay sumailalim sa isang pagsasanay na karaniwang ibinigay ng club management at nakabatay sa mga patakaran at regulasyon ng club. 

Kaya naman sa pagsasabatas nitong pagbibigay ng mga benepisyo sa mga golf caddies at kahintulad na service workers ay tiyak na maraming matutuwa kabilang ang mga pamilya nila.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

* * *

AGMA-MCI Grand Alumni Homecoming

SA Black Saturday, April 20, 2019, at 8:00am, iniimbitahan dumalo at suportahan ang Agustin Gutierrez Memorial Academy o ang dating Mindoro Central Institute (AGMA-MCI), ang kanilang Grand Alumni Homecoming na gagawin d’yan sa AGMA-MCI Alumni Multi-Purpose Gym, Naujan, Oriental Mindoro.

Sabi nga, for further information, huwag mag-atubilin tawagan si Atty Silverio “Biyong” Garing, President, AGMA-MCI ALUMNI ASSOCIATION, INC. tel. 534-1754 at cp no. 0919- 260 -2000.

Sa mga AGMA - MCI members huwag na hindi kayo pupunta para lalong maging masaya ang ating homeco­ming events.

Sabi nga ni Biyong, see you all!

Abangan.

vuukle comment

LUISA LLOREN CUARESMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with