Election hotspot?

IDINEKLARA ng Commission on Elections (Comelec) ang buong Mindanao na “red” election hot spot sa darating na midterm polls sa Mayo.

At sa pangkalahatang pagdeklara nga ay kasali na rin ang Davao City at iba pang mga siyudad at lalawigan o ibang local government units sa katimugan na isailalim sa jurisdiction ng Comelec kasi nga sila’y election hot spot nga raw.

Ang ibig sabihin nito ay ang Comelec can place all national and local officials in these areas under its direct control and supervision.

At ang Category Red classification also means the Comelec “may direct the augmentation of personnel of the Philippine National Police and the Armed Forces of the Philippines as the need arises.”

At ang kalalabasan nito ay election hot spots na ngayon ang mga 27 provinces at 33 cities sa Minda­nao.

Ngayon ay gawin nating example ang Davao City na ni minsan walang history ng election violence kahit kailan tapos ngayon ay isasali sa election hot spot.

Ano ‘yon? 

At ito nga ang naging rason ng Comelec ----”in declaring Mindanao and 3 other areas as Category Red Election Hot Spots, the Comelec cited “suspected election-related incidents in the last two elections, together with serious armed threats posed by the New People’s Army, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Abu Sayyaf Group, and rogue elements of the Moro National Liberation Front and/or Moro Islamic Liberation Front and other analogous groups.”

Bakit? Bakit lahat-lahat at buong Mindanao na?

Show comments