^

PSN Opinyon

Tinawag tuloy silang ‘Representa-thieves’

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PINATUTUNAYAN ba ng mga mambabatas ang bansag na “Representa-thieves”? Itinatago na nila sa madla ang kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth. Malayang ilalahad ng matuwid na opisyal ang kanyang SALNs. Unang iniisip ng magnanakaw na ilihim ang ninakaw.

Patunay ng kalinisan ang SALNs. Anang Konstitusyon, lahat ng taga-gobyerno ay dapat sumumpa ng detalyadong yaman pati ng asawa bago umupo, taon-taon habang nasa, at pag-alis sa puwesto. Nu’ng 1989 itinakda ng Code of Conduct and Ethical Standards ang pagsasapubliko ng SALNs. At sa SALNs pinahihintulutan ng taga-gobyerno na suriin ang deklarasyon niya ng Ombudsman at BIR. Napapahamak ang mga nagpapabaya ng SALNs. Sinibak si Chief Justice Renato Corona dahil sa di-paglista ng dollar accounts, at si Maria Lourdes Sereno din dahil sa di-kumpletong SALNs. Nakulong ang AFP comptroller-general dahil sa kulang-kulang na deklarasyong yaman, at daan-daang opisyales ang nililitis sa Sandiganbayan gamit ang SALNs nila bilang ebidensiya.

Sa pamamagitan ng SALNs pinananagot ang mga opisyales, at pinagmumulan ng tiwala sa kanila ng madla.

Pero nitong nakaraang buwan paspasang ipinasa ng House of Reps ang Resolution 2467. Akda ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo, pahihirapin na ang pagsasapubliko ng SALNs. Kailangan munang pagbotohan at sangayunan ito ng mayorya ng mga kongresista. At kailangan magbayad ang mamamayan ng P300 para makakuha ng kopya ng SALN ng bawat taon. Aabutin nang P80,000 para sa SALNs ng lahat ng 207 kongresista sa isang taon. Mas mahal kung maraming taon. Ito rin ang Kamara na nagbabagal-bagalang ipasa ang Freedom of Information Bill, na ilang taon nang nakabinbin.

Kung wala silang itinatago, bakit nililihim ang SALNs?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

STATEMENTS OF ASSETS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with