^

PSN Opinyon

Human smuggling aktibo sa NAIA, P4.5 million hinati-hati?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SAMPUNG Pinoy passengers ang pinabalik sa Philippines my Philippines matapos silang umalis sa NAIA Terminal 3, the other week, dahil nabuko ng immigration people sa Europe na peke ang kanilang ginamit na Schenger Visa nang ipakita ang mga passport nila pagdating sa abroad.

Kaya tuloy na A to A o airport to airport sila dahil pinabalik sila ng Philippines my Philippines kaya naman nagmistulang ‘crying like a cow’ ang mga nabiktima ng sindikato.

Sabi nga, P450,000 each daw ang ibinayad nila sa nagkasa ng kanilang foreign trip at sinasabing napartihan din ang tiwaling NAIA immigration officer na nagtatak sa passports ng kanilang immigration departure exit clearances.

Naku patay!

Isang alyas Richard, sinasabing IO sa NAIA Terminal 3, ang kinakapa ng mga tauhan ni Atty. Manny Dimaano, hepe ng NBI - NAIA International Airport Investigation Division para makalawit ang mga nagsabwatan sa pagpapaalis ng mga biktima ng human smuggling.

Naku, lagot!

Bakit?

Sinasabing si alyas Richard, lang ang pumalo sa mga passport ng mga Pinoy passengers kaya tuloy binuburiki ng NAIA - NBI ang mga sangkot sa pamemeke ng Schenger Visa at kung bakit pinayagan silang makaalis.

Sino kaya ang mga handler ng sindikato?

Sabi nga, P450,000 each times 10 passengers ay P4.5 million ang perang pinag-uusapan.

Ika nga, package deal ito kasama airline ticket, hotel accomodations at tiembre sa tiwaling immigration?

Naku ha!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpa-bright-bright ang nagtatak ng passports ng sampung Pinoy passengers. Hindi ito ipinaalam sa BI duty supervisors kung orihinal ang ginamit na visa.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  hindi tatantanan ni Atty. Dimaano ang mga nagsabwatan kaya isa-isang dadakmain ang mga kumita para magkantahan. Hehehe!

Sino kaya ang handler ni alyas Richard na nagbigay ng ‘blessing’ dito para paalisin ang mga pasahero going to Europe?

Patay kayo ngayon!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, large scale human smuggling ang maaring ikaso sa mga nagsabwatan kapag napatunayang may kinalaman sila sa nasabing anomalia.

Ika nga, life sentence ito kapag napatunayan silang nagkasala ng korte.

Buti nga!

Abangan.

28 Treasures HK Roasting Dimsun

NAPADAAN ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa 28 Treasures HK Roasting Dimsun d’yan sa N. Roxas corner Banawe, Kyusi, kaya naman natakam sila at tinikman ang mga pagkain. 

Bago kasi itong resto at nakaka-engganyo ang mga nakadisplay na pagkain kaya naman tinikman at nilasahan nila ang mga ino-offer na mga tsibog.

Aba, hindi nagkamali ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil hanep sa sarap ang kanilang mga pagkain at ang mga sauce super walastik.

Sabi nga, ibang klase.

Mga bata pa pala ang mga may-ari nito na nakilala ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina Beauford Ong at Chris Chua.

Naka-ututan dila rin nila si Ben Ok, owner ng iba’t-ibang klaseng gulong d’yan sa tabi ng 28 Treasures HK Dimsun, dahil kumakain ito rito.

Sabi nga, grabe ang sarap!

Dayo na kayo at kumain from 6:30am to 11pm everyday open ang nasabing resto.

Ano pa ang inaantay ninyo?

Punta na!

HUMAN SMUGGLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with