MAGANDANG hakbang ng gobyerno na maging libre ang edukasyon para sa lahat. Basic right ng bawat tao ang pag-aaral.
Ngunit habang libre na ang tuition at miscellaneous fees sa state universities and colleges (SUCs), hindi pa rin libre ang edukasyon sa private schools. Ito’y Kahit may batas na sa Free College education. Ito’y nagbibigay sana ng tsansa sa mga mahihirap ngunit deserving ng estudyante sa Tertiary Education Subsidy (TES)
Kasi, Wala pa itong implementing rules o panuntunan sa pagpapatupad ng batas gayung matagal nang batas ito.
Wala pa ring memorandum of agreement sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) UNIFAST at mga pribadong higher educational institutions (HEIs).
Dapat na talagang plantsahin ang sistema para mapakinabangan ang batas ani Sen. Bam Aquino, principal sponsor ng batas sa libreng kolehiyo,
Kung mananatiling walang oportunidad ang mga maralitang kabataan sa edukasyon, saan pupulutin ang Pilipinas? Ang TES ay isang mahalagang ayuda sa mga estudyanteng maralita para tustusan ang mga gastusin sa pag-aaral, tulad ng pagkain at libro. Kasama riyan ang gastos sa pag-aaral ng mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga estudyante na nais mag-aral sa pribadong kolehiyo at unibersidad.
Huwag nang magpatumpik-tumpik. Dapat madaliin ng CHED ang pagpapalabas ng mga panuntunan upang pakinabangan na ng lahat na dapat makinabang ang mabuting batas na ito. Tandaan, a nation of highly educated people will be the most progressive.