^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kamangmangan sa Constitution

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kamangmangan  sa Constitution

NAGPAKITA ng kamangmangan o kawalan ng ka­alaman sa Constitution ng Pilipinas si National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema nang i-proposed niya noong nakaraang linggo na alisin ang state scholarships sa mga estud­yanteng aktibista na sumasali sa anti­­­go­vern­­ment­ protests at New People’s Army (NPA). Aniya­, nilikha ng taumbayan ang pamahalaan para mamahala, mangalaga, dumisiplina, kumu­lekta ng buwis at ipamahagi ang pondo para sa scholarships at mga programa. Ang paglaban aniya­ sa pamahalaan ay paglaban sa nakarara­ming Pilipino.

Pero maraming umalma sa kanyang proposal at maski si President Duterte ay nagsabing walang­ masama kung magpahayag ng kanilang saloobin­ ang mga estudyante. Sabi ng Presidente ay wala namang­ masama kung dissent lang dahil expression lang yun. Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang pagsali ng mga estud­yante sa grupo na naka-aligned sa Left ay hindi ground para alisin sa kanila ang scholarships. Aniya­, hindi reckless ang pamahalaan para gantihan ang mga estudyanteng nagpapahayag lamang ng kanilang kahilingan at mga saloobin.

Maraming nagpahayag na dapat magbitiw sa puwesto si Cardema sapagkat nagpapakita lamang ito ng kanyang kamangmangan sa tinatadhana ng Constitution at maski sa mandate ng NYC na ang mga kabataan ay dapat hayaang magsalita ng kanilang saloobin. Lahat ng kabataan o estud­yante ay may karapatang magsalita at magpaha­yag ng kanilang saloobin kabilang ang pagpro­testa sa kalsada. Pero sabi ni Cardema, hindi siya magbibitiw sa puwesto at lalong hindi magso-sorry. Ayon pa kay Cardema ang kanyang proposal na pag-aalis ng scholarships sa militants ay inspired sa sinabi ng Presidente na ibibigay na lamang ito sa mga lumad o indigenous people na gustong mag-aral sa unibersidad.

Sa pahayag niyang ito, nagpapakita nga na mangmang ang pinuno ng NYC.

NATIONAL YOUTH COMMISSION

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with