^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sunud-sunod na sunog

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sunud-sunod  na sunog

NGAYONG buwan na ito, anim na sunog na ang nagaganap sa Metro Manila at ilan dito ay malalagim na kumitil nang maraming buhay. Hindi pa Fire Prevention Month pero sunud-sunod na ang mga sunog. Dapat mag-ingat ang mamamayan.

Kamakalawa, isang sunog ang naganap sa North Fairview, Quezon City na ikinamatay ng isang apat na taong gulang na batang lalaki. Nakilala ang biktima na si Alexander Salas. Ayon sa pamilya ng bata, iniwan itong natutulog ng kapatid nito para bumili ng sitsirya. Pagbalik ng kapatid, umuusok na ang kanilang bahay at biglang lumaki ang apoy. Ayon sa fire marshal, maaaring may sinding kandila ang dahilan ng sunog. Nahirapan ang mga bumbero na makapasok sapagkat dikit-dikit ang mga bahay.

Noong nakaraang Sabado, isang sunog ang naganap sa Bgy. South Cembo, Makati City. Natupok ang ilang bahay at wala namang namatay o nasugatan. Hinihinalang faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog.

Pinakamalagim ang nangyaring sunog sa Mari­caban, Pasay City noong nakaraaang linggo kung saan siyam katao ang namatay. Ayon sa ina, na tanging nakaligtas sa sunog, nagmula sa isang computer na nasa ilalim ng kahoy na hagdan ang apoy. Nag-overheat umano ang computer na maaaring naiwan na nakasaksak.

Namatay ang kanyang asawa at apat na anak, kapatid na babae, asawa nito at dalawang anak. Hindi na nagising ang mga ito. Mabilis na kumalat ang apoy sa iba pang mga bahay na gawa sa light materials. Nahirapan ding makapasok ang mga bumbero sapagkat dikit-dikit ang mga bahay.

Maiiwasan ang trahedya sa sunog kung magkakaroon ng ibayong pag-iingat ang lahat. Lagi nang ipinaalala ng mga awtoridad na huwag iiwan na nakabukas ang mga appliances gaya ng electric fan at computer, cell phone na naka-charge sapagkat maaring mag-overheat. Huwag ding ha­yaang paglaruan ng mga bata ang mga posporo at huwag iiwan ang mga nakasinding kandila. Ang paglalagay ng jumper sa mga poste ng kuryente ay delikado at kadalasang pinagmumulan ng sunog.

Ingatan ang ari-arian at lalo’t higit ang buhay sa mapaminsalang sunog.

FIRE

FIRE PREVENTION MONTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with