^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming estudyante ang nagma-marijuana

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming estudyante  ang nagma-marijuana

NAKAAALARMA ang pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng nahuhumaling sa marijuana. Halos linggu-linggo, may mga high school students na nahuhuling nagma-marijuana at mayroon din namang nagtutulak nito. Tila ba nagiging karaniwan na lamang sa mga estudyante ang mag-marijuana at inaakalang magaan lamang ang parusa sa paggamit at pagbebenta nito kumpara sa shabu. Mas mura rin ang halaga ng marijuana kaysa shabu.

Mula nang maging matindi ang kampanya ng pamahalaan laban sa droga o shabu, dumami ang lumipat sa paggamit ng marijuana.  At dahil mas mabilis mabili, pati ang mga high school students ay madaling maakit na gumamit. Mayroong pasa-pasa lang muna sa isang stick ng marijuana at nang makasanayan na, kanya-kanya ng bili para makahitit.

Noong Sabado, 11 estudyante sa high school sa Bgy. Southside, Makati City ang naaktuhan ng mga pulis habang humihitit ng marijuana. May edad na 13 hanggang 17 ang mga naaresto. Nakatanggap ng report ang mga pulis na may mga kabataang maiingay at nakabubulahaw sa mga residente kaya nagkasa sila ng operasyon. Naaktuhan nila ang 11 estudyante habang humihitit. Dinala nila sa DSWD ang mga kabataan.

Isang 19-anyos na estudyante naman sa Maynila ang naaresto rin dahil sa paghitit ng marijuana. Nakumpiska sa estudyante ang isang plastic na lalag­yan na may marijuana. Sinampahan na ng kaso ang estudyante.

Kamakailan, napabalita ang isang estudyante na nagbebenta ng marijuana sa kanyang mga kapwa estudyante. Nang tanungin kung bakit siya nagtutulak ng “damo”, wala raw pinagkakakitaan ang kanyang mga magulang kaya siya ang gumagawa ng paraan. Alam daw niyang mali iyon pero wala raw siyang alam na ibang paraan para kumita.

Dapat mahinto na ang ganitong pagkahumaling­ ng mga estudyante sa marijuana. Ang mga magu­lang ang dapat manguna sa pagsubaybay sa kani­lang mga anak. Lagi silang kausapin at baka may problema kaya nahuhumaling sa droga. Malaking tulong din ang pagkalinga ng mga guro. Iligtas ang mga kabataan sa pagkalulong sa marijuana.

MARIJUANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with