^

PSN Opinyon

Bakit umatras ang mga kongresista?

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NAKADIDISMAYA lang dahil ang mga kongresista ay kumambyo sa criminal liability mula 15-anyos ay gina­wang 12. Sana ibinaba pa nila ng konti sa 9-anyos. Dapat pinanindigan ang unang desisyon na 9 na taong gulang dahil yung mga nasa ganyang edad ng kabataan ngayon ay kaya nang gumawa ng mabigat na krimen. May isip na ang mga ‘yan kung tama ba o mali ang tinatahak nilang daan patungo ba sa mabuti o kasamaan. Kung ihahambing natin sa ibang bansa ay mas bata pa ang kanila – 7-anyos, kaya tama lang ang sa atin na 9-anyos.

Nakakasa na ang 9-anyos kung bakit itinaas pa ito sa 12. Hindi kaya natakot ang mga mambabatas dahil kailangan nila ng boto ng ating mga kababayan o masyadong malakas ang boses ng simbahan at human rights advocate kaya nag-iba ang ihip ng hangin.

Mabigat man sa kalooban ang parusahan sa murang edad pero sa mga nangyayaring krimen ngayon na ang pangunahing suspect ay mga nasa ganitong edad ay tama lamang na sila’y hulihin at putulin ang kanilang mga sungay.

Para sa akin, kaysa tuluyang mapariwara ang kanilang buhay, bakit ‘di na lang natin ipakulong upang habang sila’y nasa kulungan mapag-isipan nila na mali ang buhay na pinili. Sa kabilang banda may programa naman ang gobyerno para sa kanila habang nasa kulungan.

Kung nasa tama lang sana ang pag-iisip ang mga ma-gulang, sapat lang sanang supling. ‘Yung kayang itaguyod ang edukasyon ng anak at hindi sana nagkalat ang mga batang hamog sa lansangan. Nasa magulang ang mali kaya napapariwara ang mga anak. Imbes na silay dalhin sa paaralan, sila pa ang pasimuno sa masamang gawain ng anak.

AGE OF CRIMINAL LIABILITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with