^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May pagdadalhan na ba sa mga ‘batang ligaw’?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - May pagdadalhan na ba sa mga ‘batang ligaw’?

MULA sa dating 15-anyos, ibinaba sa 12 ang criminal responsibility. Unang iminungkahi ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na gawin itong 9-anyos subalit maraming tumutol hanggang sa pagpasyahan ng mayorya sa Kongreso na gawin itong 12. Maraming nagtataka kung bakit 9-anyos ang sinulong ni Arroyo gayung noong siya ang Presidente noong 2006, nilagdaan niya ang Juvenile Justice and Welfare Act (JJWA) na nagtatakda na ang minimum age ng criminal responsibility ay 15. Sabi ni Arroyo, suhestiyon lamang ang edad na 9 at idinagdag na ang mga magulang ay nararapat na maging conscious sa criminal accountability ng kanilang mga anak sapagkat sila man ay may pananagutan sa kasalanan ng mga ito.

Sang-ayon naman si President Duterte sa napagpasyahan. Kumporme siya na 12-anyos ang criminal responsibility. Sinabi ng Presidente na ginagamit ang mga menor-de-edad sa drug trafficking. Mayroon umanong 6-anyos lang ay pinagdedeliber na ng shabu at tagakolekta pa ng perang bayad sa shabu. Noong una, payag na ang Presidente na ibaba sa 9-anyos ang criminal responsibility.

Lusot na ang panukalang batas kaya hindi magtatagal at maraming kabataan na gumagawa nang masama ang huhulihin ng mga pulis at saka ipapasa sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang tanong, handa ba ang pamahalaan para sa rehabilitasyon ng mga menor-de-edad na mahuhuling gumagawa nang masama. Sapat ba ang mga pagdadalhan sa kanila.

Sa isang report, kakaunti umano ang mga tinatawag na “Bahay Pag-asa” na kadalasang pinagda­­dalhan sa mga batang nagkakasala. Umano’y mahigit lamang 50 ang mga Bahay Pag-asa sa buong bansa na pinagdadalhan sa mga menor-de-edad. Ang matindi, napakamiserable umano ng buhay ng mga batang nasa Bahay Pag-asa. Mas gugustuhin pa umanong nasa labas o palabuy-laboy kaysa sa nasa loob.

Mabilis magpasya ang mga mambabatas sa pagpapababa ng edad para sa criminal responsibility pero wala naman silang plano kung saan dadalhin ang mga batang magkakasala at kung paano ire-rehabilitate ang mga ito. Kailangang may maganda at mahusay na plano para sa mga “batang ligaw”.

AGE OF CRIMINAL LIABILITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with