^

PSN Opinyon

Ano ba ang Interpol? Bakit kontrobersiyal?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TILA plot sa thriller movie ang pangyayari, ulat ng Economist magazine. Pagkalapag sa China ng hepe ng sama­hang pandaigdig kontra krimen, nagpadala siya ng emoji ng kutsilyo sa misis. Ilang sandali pa, hindi na siya matagpuan. Sa mga sumunod na linggo, hinangad at muntik ma­agaw ng isang Ruso na malapit sa diktaturyang rehimen ang “nabakanteng” puwesto. Nagalit ang maraming bansa.

Hindi ‘yon kathang-isip, kundi totoong nangyari sa Interpol (International Police Organization). Tinatag ang samahan sa France nu’ng 1929, at ngayo’y sinasapian ng 194 bansa. Hindi ito tradisyunal na pulisya; walang kapangyarihang mang-aresto ang mga ahente. Palitan ito ng impormasyon, para magtulungan ang mga kasapi na matunton at masawata ang international criminals: mga terorista, human traffickers, money launderers, at ilegal na nagbebenta ng hayop at artworks. May central database ito ng fingerprints, DNA samples, at mga dokumento.

Inaalerto ng mga kasapi ang Interpol tungkol sa mga kriminal. Nu’ng 2017 nagkonsultahan ang mga kasapi nang 146 na beses kada segundo. Dalawang uri ang alerts. Ang “Red Notice” ay pag-alam kung nasaan ang wanted sa kasaping bansa. Ang “diffusion” ay para i-detain ng Interpol ang wanted para masundo ng pambansang pulisya.

Binabatikos ng civil libertarians ang Interpol. Nagpapagamit umano ito sa pagtugis sa mga oposisyon at kritiko ng mga malulupit na gobyerno, tulad ng China, Iran, Turkey, at Tunisia. ‘Yon ang dahilan kaya kinontra ng European Union at America ang kampanya nu’ng 2018 para Interpol president ni Rusong Aleksandr Prokopchuk, malapit na crony ni Vladimir Putin. Naipanalo nila si Kim Jong Yang ng Korea. Acting president siya mula nang arestuhin ng China si Interpol president Meng Hongwei, at umano’y pinilit magbitiw kapalit ng kalayaan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

JARIUS BONDOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with