^

PSN Opinyon

Ibalik ang dating ganda ng Manila Bay

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NOONG ako’y bata pa, madalas kaming ipasyal ng aking amang si Paul Katigbak sa Dewey na kung tawagin ngayon ay Roxas Boulevard. Kaakit-akit ang tanawin dito lalo na nung kapanahunan ko dahil maraming nakikitang namimingwit at mga namamangkang mangingisda sa napakalinaw na tubig.

Inaabot kami noon ng takipsilim sa Roxas Boulevard dahil inaantay namin ang paglubog ng haring araw. Maraming tanawin sa Manila Bay na mas maganda pa sana kung ito ay malinis at malinaw ang tubig.

Dangan nga lamang at binaboy ito ng mga tao. Ginawang poso negro at basurahan. Tapunan ng mga patay na tao at hayop. Kung maaalala n’yo tuwing may bagyo, sahod lahat ng Manila Bay ang dumi na nakapaligid dito. Hindi alintana ng mga tao ang polusyon na dulot ng pambababoy nila sa dagat.

Dinagdagan pa ng mga establisimentong deretso sa dagat. Ang mga tubo nilang naglalaman din ng dumi. Kaya masaya ako dahil nabigyang pansin ito ng gobyerno na linisin. Abutin man ng ilang taon ang paglilinis at least, may magandang aabutan ang mga susunod na heneras­yon --- malinis na tubig at mabangong simoy ng hangin.

Ang pangunahing dahilan ng basura ay ang paglobo ng populasyon. Umabot na tayo ngayon sa 105 million at patuloy pang tumataas taun-taon. Siyempre kung maraming tao marami ring basura. Kung saan-saan na lang nagtatayo ng barung-barong ang mga iskuwater at karamihan diyan ay walang palikuran. Sana isama rin sa pagsasaayos ng bansa ang tamang pagplano ng pamilya.

Sana kung mauumpisahan man ang paglilinis sa Ma-   nila Bay ay tapusin agad ito. Alam naman natin na mas marami ang satsat kaysa gawa. Maibalik sana ang dating kinang ng tubig at malinis na simoy ng hangin sa Manila Bay.

MANILA BAY CLEANUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with