^

PSN Opinyon

Lilinisin ang Manila Bay

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita ito. Sa tagal ng problema sa masangsang na amoy na galing sa dalampasigan, ngayon ay aaksyunan na ito ni DENR secretary Roy Cimatu. Mil­­y­un-milyon na namang datung ang iluluwa sa kaban ng bayan dahil sa pagiging burara ng ating mga kaba­bayan. Sa totoo lang magandang proyekto itong nahalukay ni Cimatu, kasi nga bukod sa tone-toneladang basura ang hinahakot rito sa tuwing may bagyo o pagsama ng panahon, ito rin ang pangunahing sanhi ng baha sa Kamaynilaan. Kaya oras na matanggal ang makapal na basura at burak sa ilalim ng dalampasigan tiyak na aagos nang maayos ang tubig sa mga estero at imburnal, kayat siguradong mapapabilis ang baba ng tubig sa mga lungsod ng Metro Manila. Maging itong Pasig River na pangunahing ilog sa buong Metro Manila ay malilinis na rin at mapakikinabangan ito ng husto ng Department of Transportation na makapagbibiyahe ng mga pasahero.

Makabuluhan ang proyektong inatang ni Pres. Ro­drigo Duterte kay Cimatu. Bukod kasi sa kalinisan ng dagat at mga estero magiging sentro pa ito ng turismo. Ngunit hindi basta-bastang proyekto ito dahil manganga­ilangan ito ng bilyun-bilyon na datung sa paglilinis ng baho ng mga nagdaang administrasyon. At ang proyektong ito ay nararapat na magkaisa rito ang mga taga-Metro Manila at kalapit na mga lalawigan katulad ng Cavite, Bulacan, Pampanga at Bataan. Kasi nga hindi lamang ang mga taga-Metro Manila ang nagpabaya sa pagsinop ng basura noon magpahanggang ngayon. Kung ating susuriin na tuwing masama ang panahon kusang lumulutang ang makakapal na basura na may kasamang mga kawayan at lambat. Malinaw na galing ito sa mga baklad na nagmula sa Cavite at Bulacan dahil ito ang mga hanapbuhay ng mga iyon. Di ba mga suki?

Ang makapal naman na basura katulad ng mga plastik ay galing sa may parteng Tondo at Obando, Bulacan. Dito kasi ang imbakan ng basura. Kaya kung malilinis na ito tiyak na magiging swimming groud na ito ng ating mga kabataan na sabik sa paliligo. Hehehe! Ang matindi pa rito, dapat din kumilos si Usec. Benny Antiporda sa mga establishment sa buong Metro Manila, dahil ito ang pangunahing nagpapatagas ng dumi at langis o mantika sa mga estero na tumutuloy sa Manila Bay. Balewala rin kasi ang paglilinis na gagawin ni Cimatu kung walang partisipasyon ang mga negosyante at mismong mga kababayan nating na naka tira sa mga gilid ng estero sa pagiging burara sa  sa pagsinop ng basura. Sa ngayon kasi ito ang pangunahing problema ng bansa na dapat na tutukan, walang pinag-iba ito sa pakikipagdigma ni Duterte sa droga. Kung alin kasi ang bawal ay iyon pa ang tinatangkilik ng ating mga kababayan dahil likas na silang matitigas ang ulo.

Kaya kung ang usapin sa basura ang pag-uusapan, mararapat na ang kumilos rito ay itong ating mga local executives dahil kabisado nila ang baho ng kanilang mga constituent. Lalung-lalo na ang mga barangay officials na nagbubulag-bulagan sa mga kabulastugan ng kanilang kinasasakupan. Sa panahon ngayon na ang programa ni Duterte ay build-build tiyak na marami ang makikinabang nito oras na malinis na ang Manila Bay at mga estero sa Metro Manila. Kasi nga hindi pa man nauumpisahan na linisan ang Manila Bay  aba’y, marami nang naririnig na mga haka-haka sa mga matatabil na dila. May nagsasabing kaya lilinisin ang Manila Bay ay sa dahilang nabili na ito ng mga banyaga na pagtatayuan ng mga gusali, tatawagin itong New City. Magkano kaya ang naipasok sa bulsa? Abangan!   

MANILA BAY CLEANUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with