^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga dalangin sa 2019

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga dalangin sa 2019

HINDI handa ang mamamayan sa pagtama ng kala­­midad kaya marami ang napapahamak. Marami ang hindi sumusunod sa paalala at babala kaya maraming namamatay. Kahit paulit-ulit na pinagsasabihan na lumikas ang mga nasa gilid ng bundok dahil sa posibleng pagguho, hindi sumusunod. Kahit pinaaalis na sa pampang ng ilog at sapa dahil­ umaapaw, marami pa rin ang sumusuway dahilan para may malunod.

Nangyari na naman ang trahedya nang manalasa ang Bagyong Usman sa Eastern Visayas, Bicol Region at Southern Tagalog noong Biyernes. Sa tala ng NDRRMC, mahigit 50 ang namatay dahil sa pagguho ng lupa at pagbaha. Dalangin ngayong 2019 na maiwasan ang trahedya sa pagtama ng kalamidad at matuto ang mamamayan na sumunod sa utos kapag pinalilikas.

Nananatiling laganap ang illegal na droga sa bansa sa kabila ng kampanya ng pamahalaan. Halos araw-araw ay may naaarestong drug pushers at users noong nakaraang taon pero wala pa ring pagkaubos. Ngayong 2019, dalangin na matapos na ang problema sa droga at matukoy ng PDEA at iba pang drug enforcement agencies ang source ng shabu. Dalangin na hindi lamang mga pipitsu­ging drug pushers ang mahuli kundi mga malala­king drug syndicates.

Laganap pa rin ang corruption sa mga ahensiya ng pamahalaan. Kahit marami nang sinibak si President Duterte dahil sa pangungurakot, patuloy pa rin ang katiwalian at pagnanakaw sa pera ng taumbayan. Dalangin na maubos na ang mga corrupt ngayong 2019 para ang mamamayan ang makinabang at mabigyan nang sapat na serbisyo.

Marami pa rin ang walang trabaho sa kabila ng sinasabi ng pamahalaan na walang unemployment. Dalangin ngayong 2019 na makapag-create nang maraming trabaho para lahat ay maging masagana at walang magutom.

Malaking problema ang pollution sa bansa lalo sa Metro Manila. Marumi ang karagatan at mga ilog at ganundin ang hangin. Dalangin ngayong 2019 na iprayoridad ng DENR ang paglinis sa Manila Bay, mga estero at ilog at ang nakamamatay na hangin sa Metro Manila.

Dinggin sana mga panalanging ito. Amen.

BAGYONG USMAN

NEW YEAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with