^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga botika, hindi sumusunod sa batas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga botika, hindi sumusunod sa batas

AYON sa sikat na cardiologist at senatorial candidate na si Dr. Willie T. Ong tinatayang, 15 milyong Pilipino ang may high blood pressure o altapresyon. At ayon sa kanya, pabata nang pabata ang may altapresyon ngayon. Mayroong 18-anyos lamang ay mayroon nang high blood pressure. At ayon kay Dr. Ong, kapag mataas na mataas na ang blood pressure kailangan na talaga ang maintenance drug. Hindi aniya ito dapat ipagwalambahala. Nararapat nang uminom ng gamot para humaba ang buhay.

 

Ang pagkaka-exempt ng mga gamot para sa high blood pressure, diabetes at high choles­terol sa 12 percent Value Added Tax (VAT) ay malaking tulong mga taong nagtataglay ng mga nabanggit na sakit. Dati ang mga 60-anyos pataas lamang o mga senior citizens ang may disku­wento sa binibiling gamot pero mula nang ipatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) noong nakaraang Enero 2018, kasabay ding ipinatupad ang 12 percent VAT exemption­ sa mga nasabing gamot. At ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na notified na nila ang mga manufacturers at mga drugstores ukol dito.

Pero lingid sa BIR, maraming botika sa buong bansa ang hindi sumusunod sa batas. Sa kabila na inatasan na sila ng BIR na bigyan ng 12 percent exemption ang mga bibili ng gamot para sa high blood pressure, high cholesterol at diabetes, patuloy pa ring lumalabag.

Marami ang nagrereklamo na hinihingan pa sila ng reseta ng doctor para raw mabigyan ng exemption. Paano kung kailangang-kailangan na ng pasyente ang gamot para sa high blood pressure kailangang kumuha muna ng reseta? Hindi naman yata tama ito.

Ayon naman sa ilang botika, inaayos pa raw nila ang cash registers para sa discount ng mga nasabing gamot kaya hindi pa sila nakaka-comply sa batas. May ilan din naman na nagsasabing wala pa raw silang natatanggap na order.

Dapat mag-surprise inspection ang BIR sa mga botikang inirereklamo para malaman ang katotohanan. Kapag napatunayang lumabag sila sa batas, dapat maparusahan ang mga ito.

WILLIE T. ONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with