^

PSN Opinyon

Puro salita kulang sa gawa

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SA buong buhay ko ngayon pa lamang ako nakarinig ng isang pabuyang umabot sa P30 milyon. Hindi kaya ma­­s­yadong malaki para sa ikadarakip ng kriminal at ma­kaka­pagturo sa utak ng pagpatay kay Ako Bicol Party­list Rep. Rodel Batocabe at sa kanyang police escort bodyguard na si Orlando Diaz? Para sa akin sapat na ang sinabi ng pamilya ni Batocabe na handa silang patawarin ang mga bumaril sa padre de pamilya basta’t ituro lamang kung sino ang utak. Di ba napakagandang mensahe? Isang magaling at malinis na congressman si Batocabe kaya tama ang sinasabi nang marami na malamang pulitika ang ugat ng kanyang kamatayan.

Ngayon at naikalat na kung gaano kalaki ang pabuya sa makapagtuturo ng utak sa pagpatay kay Batocabe at Diaz ay huwag gawing salita lamang. Alam naman nating lahat ang balita rito sa ating bansa ay mabilis maglaho o maluma. Isang linggo lang ang mapapalipas­ ay nakalimutan na ang malalaking balita. Gawin n’yo o sigu­­ruhing makaabot sa taong magtuturo sa mga criminal ang inilaan n’yong pabuya dahil sa halagang P30 milyon puwe­deng maglaho rin sa mundo ang witness. Marami ng napa­balitang ganyang kaso, asang-asa na matatanggap ang pa­­buya pero hindi pala nangyari dahil pinatay na.

Hindi na bago sa ating lahat ang ganitong patayan lalo’t papalapit na ang election. Kaya, kung patulug-tulog ang ating mga pulis sa kanilang presinto ay hindi n’yo nga mahuhuli ang mga kriminal. Dito pa naman sa atin usad pagong ang hustisya. Matatanda na ang nag-file ng kaso hindi pa nahahatulan ang mga suspect.

Ang magandang solusyon ay kumpiskahin ang lahat nang baril sa mga sibilyan at bawasan ang private armies ng mga pulitiko dahil diyan nanggagaling ang mga suspect sa pagpatay sa mga pulitiko at sibilyan. Ginagawa na lang dalawa singko ang buhay ng isang tao.

ORLANDO DIAZ

RODEL BATOCABE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with