BINUBUSISI pala ng United State of America Transportation Security Administration o TSA ang mga seguridad na ipinatutupad sa lahat ng apat na terminals sa NAIA.
Ang ginawang paghimay sa seguridad sa NAIA ay sumusunod sa alintuntunin na pinatutupad ng International Civil Aviation Organization o ICAO, ang assessment ay inspection sa airport’s airline operations kabilang ang mga ground handlers at airlines cargos.
Hindi biro ang ginagawa ng TSA sa security inspections sa mga international airports na may direktang biyahe sa US of A at matiyak ang safety standards ng ICAO.
Matindi ang ginagawang inspeksyon ng gobiyerno ng US of A sa mga international airports na identified ng Department of Homeland Security bilang high risk.
Naku ha!
Ano ba ito?
Ang ginawang huling paghimay ng TSA sa NAIA ay noon pang panahon ni MIAA general manager Jose Angel Honrado habang ang NAIA ay binansagan ang NAIA bilang ‘world worst airport.’
Si Manila International Airport Authority GM Ed Monreal ay tiwala na ang NAIA ay clear sa lahat ng ginawa ng TSA dahil sila mismo sa paliparan ay patuloy na iniingatan ang kaligtasan ng mga pasahero dito.
Sabi nga, minamatyagan at hindi pinababayaan ang ipinatutupad na security measures!
Ibinida ni Monreal, na ang airport sa kanyang pamamahala ay makatutugon sa mga international standards.
Dapat lang!
Naniniwala ang pamunuan ng MIAA, na muling makakapasa sila sa ginagawa pang mga inspeksyon ng TSA people na nakatutok sa ngayon sa terminal system at ramp access control, security screening, quality control, airport perimeter, pati na rin sa command center at aircraft and cargo operations.
Noong pag-upo ni Monreal sa NAIA sa mga ginawa nitong pagbabago at pagsisikap ay naalis ang bansag sa NAIA na world worst airport.
Sabi nga, nagkaroon na ng normal operation sa paliparan at naalis na ang kinatatakutan ng mga pasahero, ang ‘tanim-laglag-bala’ scandal na hindi binigyan pansin noon ni Honrado ng siya pa ang nakaupo sa kanyang trono sa NAIA.