Maging mapanuri
MALAPIT na ang 2019 elections, kaya ang mga kandidato ay naglilibot na sa kanilang balwarte upang makakuha ng boto. Subalit habang papalapit ang election, naglilitawan naman ang problema sa bansa. Nariyan ang paglobo ng inflation at ang kakapusan ng NFA rice. Mula nang mailuklok si Pres. Rodrigo Duterte marami ang nagbago, gaya ng pakikipagdigma sa droga. Naramdaman ito ng sambayanan dahil kung noon nahihintakutan tayong lumabas sa gabi, ngayon ay matiwasay na tayong nakakaparoo’t parito sa ating trabaho na walang kinakatakutan sa lansangan. Tinupad ni Duterte ang pangako na lilipulin niya ang mga pusher at kriminal. Marami siyang sinibak na opisyales dahil sa korapsyon. Ang pagtaas ng langis ang dahilan kung bakit tumaas ang mga bilihin, subalit ngayon ay unti-unti nang bumaba ang presyo nito. Ang trapik ay problema rin ng ating bayan.
Sa mga nabanggit kong problema, malinaw na ito ang mga pangunahing programa ng mga kandidado sa kampanyahan. Kaya dapat maging mapanuri tayo sa kanilang mga kredibilidad. Katulad ng bigas na pangunahing pangangailangan natin. Ramdam na ramdam ang kakapusan ng NFA rice subalit bumabaha naman ang mga commercial rice na mataas ang presyo. Sabi sa isang interview, mithiin ni Ilocos Gov. Imee Marcos na mapag-ukulan ng pansin ang agriculture sector. Bukod sa kinakapos tayo ng lupang sakahan dahil sa mga land conversion ng multi national developers, lumubo na ang ating populasyon. Kapos na tayo sa bigas kaya umaasa na lamang tayo sa pag-angkat sa ibang bansa.
Ayon kay Imee dapat ayudahan ng gobyerno ang mga magsasaka sa paraang cash-for-work program na dudugtong sa mga pangangailangan ng magsasaka sakaling masalanta ng bagyo o habang naghihintay maani ang kanilang mga pananim. Sa kasalukuyan bumababa na ang bilang ng mgasasaka dahil hindi na ninanais ng “mellinials” na magsaka. Ayon kay Imee, sakaling maiboto, ito ang una niyang isasalang na batas --- bigyan ng cash-for-work ang mga magsasaka gaya ng 4Ps. May katwiran si Imee dahil noong panahon nila ay may Green Revolution na nagpataas ng produksyon ng bigas, gulay at prutas. Get n’yo mga suki?
- Latest