^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mandatory ROTC, no way!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mandatory ROTC, no way!

BALAK ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Grade 11 and 12. Ito ang mainit na isyu ngayon makaraang ipahayag ni President Duterte noong nakaraang linggo na mag-iisyu siya ng Executive Order para maibalik ang ROTC kapag hindi kumilos ang Kongreso ukol dito. Noong nakaraang taon pa iginigiit ng Presidente na maibalik ang ROTC sa mga pribado at pampublikong eskuwelahan.

 

Layunin ng Presidente sa pagbabalik ng ROTC ay para madisiplina ang kabataan na tingin niya ngayon ay nawalan na ng pagmamahal sa bansa. Isa pang dahilan ay upang maihanda ang mga ito para maipagsanggalang ang seguridad ng bansa. Kung maisasailalim umano sa ROTC ang mga kabataan, mangingibabaw sa mga ito ang pagiging makabayan.

Sinuportahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbabalik sa mandatory ROTC pero nangangamba rin sila na ang pagbabalik nito ay maging dahilan ng paglabag sa karapatang pantao. May pangamba rin na ang pagbabalik ng ROTC sa campus ay maging dahilan muli ng pang-aabuso at hazing sa kadete. Pinangangambahan din ang muling pamamayagpag ng corruption kapag ibinalik ang ROTC.

Binuwag ang ROTC noong 2001 kasunod ng karumal-dumal na pagpatay sa UST cadet na si Mark Welson Chua. Pinatay si Chua ng mga kapwa kadete makaraang isiwalat nito ang korapsyon sa UST-ROTC unit na nilathala sa The Varsitarian, student paper ng unibersidad. Pagkaraang patayin, ibinalot sa carpet ang katawan ni Chua at itinapon sa Ilog Pasig. Nadakip ang mga pumatay at hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo.

Huwag ibalik ang mandatory ROTC. Hayaan na lamang ang mga estudyante na mamili kung nais nilang kumuha nito o hindi. Hindi lang naman sa pagkuha ng ROTC makikita ang pagiging ma-kabayan. Hindi lang ito ang paraan para madisiplina ang mga kabataan. Huwag nang dagdagan pa ang pasanin ng mga estudyante sa pagkuha ng ROTC na wala rin namang naidudulot kung tutuusin sapagkat pagmamartsa lamang ang naituturo na mali-mali pa ang mga hakbang.

ROTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with