^

PSN Opinyon

Bakit naging kulay orange ang carrot?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG unang panahon kulay puti ang carrots. Tinatanim sila para sa malasang dahon, tulad ng mga kalahing­ gulay na wansoy at kinchay. Chemicals na carrotenoids ang nagpapatingkad ng kulay ng carrots. Ito rin ang nagpapabilis sa photosynthesis -- pagbunga -- sa mga halaman na tumutubo sa itaas ng lupa. Pero sa ilalim ng lupa namumunga ang carrots, tulad ng mga kala­hing puti nitong singkamas at labanos. Kaya bakit naging orange­ ang kulay ng modernong carrots?

Unang umusbong ang carrots sa ngayo’y Iran at Afghanistan. Meron silang 32,000 genes (mas marami kaysa tao), at dalawa rito ang nagpaparami ng carote­noids, tulad ng alpha- at beta-carotene. Sari-saring kulay ang carrots na pinalalaki ng mga sinaunang magsasaka. Isang libong taon noon, pinili nilang magtanim ng makukulay na uri na purple at dilaw. Makalipas ang 600 pang taon, natangi nga ang modernong carrot na kulay orange, na sagana sa beta-carotene.

May kuwento na pinalahi at pinasikat ang orange carrot ng mga Dutch. Bilang pagpugay umano ito kay Wil­liam of Orange, ang bayani na namuno nu’ng siglo-1500 sa pagpapalaya sa kanila laban sa haring Kastila. Orange carrots ang simbulo ng House of Orange. At ma­­kalipas ang dalawang daan pang taon, nung siglo­ 1700s, naging pangahas na simbulo ang orange carrots­ bilang suporta sa apo sa tuhod ni William, isang hari na pinabagsak at pinalayas sa bansa. Sentro noon ang bayan ng Hoorn, Holland, sa kalakal ng carrots. (Source: The Economist)

Ngayon hindi lang Europe kundi sa buong mundo pinalalago ang orange carrots. Sa China, dahil sa gene­ti­cally modified organisms (GMO), pare-pareho ang laki, hugis at tingkad ng orange carrots. Sa Pilipinas, pabo­rito ang orange­ carrots mula sa La Trinidad, Benguet at Bukidnon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

CARROTENOIDS

CARROTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with