^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sige, sibak nang sibak pero ’wag i-recycle

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sige, sibak nang sibak pero ’wag i-recycle

SINIBAK ni President Duterte si Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary General Falconi Millar dahil sa isyu ng korapsiyon. Inihayag ng Presidente ang pagsibak kay Millar sa inagurasyon ng Cavite Gateway Terminal sa Tanza, Cavite noong Huwebes. May pagkadismaya sa boses ng Presidente nang ihayag na nilagdaan niya ang dismissal order ni Millar. Sabi ng Presidente hindi raw niya alam kung bakit nasangkot pa ito sa korapsiyon gayung nasa kanya na ang lahat --- matalino at valedictorian sa law class. “Somehow along the way… corruption creeps in,” sabi niya at idinagdag “When you are their secretary general, you have the power, you have the authority. You can do corruption and it can corrupt you, give you a little or it corrupts you absolutely.”

Bago umalis patungong Papua, Guinea ang Presidente noong nakaraang linggo, sinabi niyang mayroong sisibaking opisyal kapag nakabalik na sa bansa. Tinupad niya ang sinabi. Hindi naman dinetalye kung anong klase ng korapsiyon ang kina­sangkutan ng HUDCC chief. Sabi naman ni presidential spokeperson Salvador Panelo, ang pagsibak kay Millar ay nagpapakita lamang na walang sacred cows sa administrasyon sa kampanya nito laban sa korapsiyon. Lahat nang opisyal na gumawa ng katiwalian ay masisibak sa puwesto. Sa kabilang dako, sinabi naman ni Millar na hindi siya sinibak dahil sa isyu ng korapsiyon.

Laganap pa rin ang corruption sa pamahalaan. Ito ay sa kabila na nagbabala ang Presidente na basta may naamoy siya --- kahit singaw lang ng corruption, sa mga opisyal ng gobyerno, sisibakin agad niya. Wala na raw tanung-tanong. Kaya magbitiw na lang daw ang mga korap bago pa niya ipahiya. Umalis na lang daw para hindi na niya hiyain pa sa publiko.

Marami nang sinibak na opisyal ang Presidente na may kaugnayan sa korapsiyon. Ang ganitong aksiyon ay ikinatutuwa naman ng mamamayan sapagkat nagsasawa na sila talamak na korapsiyon sa pamahalaan. Marami ang nagpapasasa sa pera ng taumbayan habang marami naman ang naghihikahos.

Isang napupuna lang, may pagkakataong ang sinibak ng Presidente ay ibinabalik din niya sa puwesto. Nire-‘‘recycle’’ niya. Mas matutuwa ang publiko kung ang inalis niya ay huwag nang ibalik pa. Kung ire-‘‘recycle’’ baka mangorap uli sa bagong posisyon.

FALCONI MILLAR

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with