^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala pang sarili at desenteng tirahan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Wala pang sarili at desenteng tirahan

LIMANG taon na ang nakalilipas mula nang ma­nalasa ang Bagyong Yolanda sa Kabisayaan, partikular sa Eastern Samar, pero hanggang nga­yon, marami pa rin sa mga nasalanta ang walang desenteng tahanan. Marami pa ang nakatira sa mga bunkhouses at ang ilan ay nakikitira sa mga kamag-anak. May mga nakatira na sa ginawang bahay ng National Housing Authority (NHA) pero nagdurusa pa rin sila sapagkat walang kuryente at tubig. Ka­ilangan pa nilang umigib mula sa malayo. Dusa sila kapag sa tag-ulan sapagkat bumabaha dahil walang drainage system at mas lalong dusa kung tag-araw sapagkat sobrang init na halos malitson sila sa loob ng bahay. Dahil walang kuryente, hindi sila makagamit ng electric fan.

Inirereklamo naman ng karamihan na ang mga ginawang bahay ay marurupok sapagkat walang mga patigas na bakal. Nadiskubre nila na mga kawayan ang ginawang patigas kaya maaaring maguho ang kanilang tirahan. May isang pamilya na hindi natutulog sa loob ng bahay pagsapit ng gabi sa takot na bumagsak ito at matabunan sila. Kaya sa lumang pampasaherong dyipni na lamang sila natutulog. Mas safe pa raw sa dyipni kaysa sa bahay. Tanong ng mga residente, kailan matatapos ang kanilang pagdurusa.

Marami umanong nasayang na proyektong pabahay sa maraming lugar sa Eastern Samar sapagkat hindi napapakinabangan. Ayon sa mga residente, ang mga sinimulang bahay ay hindi na tinapos at karamihan sa mga ito ay kinakalawang na ang mga bakal. Nasayang lamang umano ang pera ng gobyerno gayung marami ang naghihintay na magkaroon ng sariling bahay. Nagtataka sila kung saan napunta ang malaking pondo para sa pabahay. Bakit hindi matapus-tapos ang mga ito?

Ayon sa annual report ng Commission on Audit (COA) na inilabas noong nakaraang Agosto, 41 percent (84,295) lamang sa 205,128 na mga bahay ang nakumpleto. Sa kabuuan, 28,395 mga bahay lamang ang naokupahan. Nasa 55,900 na mga bahay naman ang hindi nakumpleto at karamihan ay nasisira na sa kasalukuyan.

Hanggang kailan ang pagtitiis ng Yolanda victims? Mahirap itong sagutin. Nasa kamay ng kasalukuyang pamahalaan ang hinaharap ng mga biktima. Sana, matapos na ang kanilang kalbaryo.

TYPHOON YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with