^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagkatapos ng Boracay, El Nido naman

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pagkatapos ng Boracay,  El Nido naman

BINUKSAN na ang bagong Boracay noong Biyernes makaraang isara ng anim na buwan sa utos ni President Duterte. Dumagsa agad ang mga turista at namangha sila sa pagbabagong anyo ng Boracay kahit hindi pa kumpleto ang rehabilitasyon. May mga kalsada pang inaayos at may mga pipes pang inilalagay para masiguro ang kalinisan.

Lubhang kakaiba ngayon ang Boracay na nagmistulang bagong bihis. Nagbabala naman ang Department of Tourism (DoT) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga turista na sundin ang mga tuntunin lalo ang pagpapatupad ng kali­nisan sa island resort.

Mahigpit na ipagbabawal ang pagtatapon ng basura sa buhanginan at iba pang lugar sa resort. Ang sinumang mahuhuli ay aarestuhin. Ipatutupad ang citizens arrest sa sinumang mahuhuling nagtatapon ng basura. Noong hindi pa nare-rehab ang Boracay, pawang plastic na bagay ang makikita sa lugar. Itinapon ng mga walang disiplinang turista.

Inihalintulad ng President Duterte ang Boracay sa poso negro dahil sa sobrang dumi. “Cesspool” ang Boracay, ayon sa Presidente at agad nag-utos na isara sa loob ng anim na buwan ang resort. Sa kabila na malulugi ang bansa sa pagsasara ng Boracay, hindi ito kinatakutan ng Presidente at sa halip ipinag-utos ang rehabilitasyon at paglilinis. Sobrang dumi ng dagat na nakikita ang mga duming nanggaling sa mga restaurant, hotels, establishments sa paligid ng Boracay. Lahat nang dumi nila ay sa dagat ang tungo. Ngayon, malinis na at mabango ang Boracay.

Pero may posibilidad na ang nangyaring rehab sa Boracay ay danasin din ng iba pang resort sa bansa. Halimbawa ay ang El Nido sa Palawan. Ayon sa report, marumi na rin ang EL Nido at kung hindi kikilos ang local na pamahalaan doon, matutulad din ito sa Boracay.

Marami rin umanong nagkalat na basurang plastic sa El Nido. At walang ginagawang paraan ang local na pamahalaan doon. Walang disiplina ang mga turista na nagtatapon ng basura habang nakasakay sa mga bangka.

Ayon kay DoT Sec. Berna Romulo Puyat, hindi na­ipatutupad sa El Nido ang mga ordinansa laban sa pangangalaga sa kapaligiran. Wala umanong pakialam doon kahit masira ang kalikasan.

Kung dapat idaan sa rehab ang El Nido, gawin ito. Huwag nang hintayin pang masira. Huwag hayaang magaya sa Boracay na sinira ng mga walang disipli­nang resort owners.

BORACAY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with