^

PSN Opinyon

Lapeña na-promote pa

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAY nakalusot ngang toneladang shabu sa Customs at nasa kalye na ito. Ito ay sa kabila nang walang humpay na kampanya ng PNP.  Sa hearing ng House of Represen­tatives committees on dangerous drugs and good government, malinaw na nakalusot ito kay Customs Commissioner Isidro Lapeña. Di ba mga suki?

Sa salaysay ni Customs deputy collector Lourdes Ma­ngaoang na may suportang power point, napaglalangan ng kanyang mga tauhan si Lapeña sa E-Ray division sa pamamagitan ng pagpaloob ng shabu sa apat na magnetic lifters na dumating noong Agosto. Ngunit hindi basta nakumbinsi ni Mangaoang ang mga kongresista gaya ni Antipolo City Rep. Romeo Acop. Ilang beses namang winarningan ni Acop si Mangaoang matapos magpakita ito ng kagaspangan sa pagsasagot hinggil sa kung paano nito mapatunayan na shabu ang laman ng magnetic lifters. Humingi ng tawad si Mangaoang kay Acop.

Malinaw kung magtanong at magpapaliwanag si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kaya maayos ang paggulong ng imbestigasyon. Dapat lamang na malinaw ang pag-imbestiga dahil ang habol dito ng committees ay malaman kung may shabu ngang nakalusot sa Customs na nasa magnetic lifters. Sa panig naman ni Lapeña noon una, hindi ito naniniwala na may shabu ang magnetic lifter dahil expert ang kanyang mga tauhan na sina John Mar Morales at Manuel Martinez sa E-Ray Division. Subalit sa huli naniwala siyang may shabu nga ang magnetic lifter matapos magpaliwanag ang taga-DPWH.

Nang araw ding iyon, inihayag ni President Duterte ang paglilipat kay Lapeña sa TESDA at ang pagsibak sa lahat ng Customs officials. Na-promote pa si Lapeña ngayon. Ang buhay nga naman! Noon, si ex-Customs chief Nicanor Faeldon matapos mag-resign ay naging USec at ngayo’y BuCor chief na. Ang sarap maging Customs commissioner dahil pagnalusutan ng tone-toneladang shabu, mapo-promote, he-he-he!

Panawagan ko, tulungan nating amuyin kung saan tinago ang toneladang shabu na naipuslit sa Customs. Tulungan si PDEA chief Aaron Aquino at PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa pakikipagdigma kontra droga.

CUSTOMS COMMISSIONER

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with