DALAWA sa tatlong kandidatong alkalde sa Maynila ang umano’y may matitinding kaso ng korapsyon?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi na nila ikukuwento kung bakit basta si Fred Lim lamang ang malinis sa dalawa.
Bakit kaya?
Hindi kasi korap si Lim!
Mula ng maging police patola si Lim hanggang maging heneral, naging DILG Secretary, NBI director at naging Senador at paulit-ulit na naging Mayor ng Maynila, hindi ito pinagdudahan o nakasuhan na nagnakaw ng salapi o pondo sa kaban ng bayan.
Kaya naman nang tumakbo ito bilang alkalde sa Maynila ay hindi nag-dalawang isip ang madlang Manilenyo kundi ang iboto ito dahil bukod sa may prensipyo ito ay may malasakit siya sa mga mahihirap.
Si Lim lang ang alkalde sa Philippines my Philippines ang nakaisip na mapagawa at pagandahin ang anim na ospital na nasa anim na distrito ng Maynila.
Sabi nga, libre ang pagpapagamot, walang bayad ang mga doktor, free medicines at libre ang pa tsibug sa mga pasyente.
Sabi nga, hindi lang basta pagkain ang libre kundi masarap pa ito.
Alam ito ng kanyang mga kalaban sa politika pero siyempre hindi na sila kikibo tungkol dito dahil alam nila ang ginawa ni Lim sa mga pasyente sa anim na ospital ay hindi kayang tumbasan.
Ano ang masasabi mo ngayon kay Lim?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
Kamote, basta huwag mong kalimutan ang pangalang Fred Lim!
Abangan.
Jueteng bookies sa Southern Metro, largado
MASAYA ang jueteng operations sa Southern Metro porke hindi mayugyog ang puesto na inilatag ng isang alyas “Sonny Tan”, financer ng dayaan bolahan dito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naglulupasay sa tuwa ang isang alyas Valero, ang management pang national ni Tan dahil sa laki ng kubransa na pumapasok sa bulsa ng huli.
Aktibo rin sa Parañaque ang jueteng bookies ni Joy, Besmer, Las Piñas, isang Jonjon, ng Taguig at alyas ‘paksiw’ na ayungin sa Pateros.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila puedeng hulihin ng kahit sino porke naka-timbre ang operasyon nilang dayaan bolahan.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi nga, bino-bookies ang STL con jueteng ngayon sa Southern Metro dahil ang management ng expanded STL dito na binigyan ng permiso ng PCSO ay may problema sa ngayon dahil daan-daan milyong piso ang utang nito sa huli at hindi na nakakabayad.
Ang problema ay ipinatitigil na ang kumpanya ng binigyan ng permiso ng PCSO, ang huli pa ang pina-TRO sa korte. Hahaha!
Abangan.