PINAGWAGWAGAN ng PDP - Laban, na si dating Mayor Alfredo S. Lim, ang opisyal na kandidato ng kanilang partido for Mayor sa Manila next year 2019 midterm election.
Si Lim, ang susunod na alkalde sa Manila na uupo sa trono rito pagbaba ni Erap after election.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, apat ang maglalabo-labo sa eleksyon sa Manila, sina Lim, Estrada, dating Mayor Lito Atienza at si dating Vice Mayor Isko Moreno.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matunog ang pangalan ni Lim sa apat na siya ang makakasungkit ng cityhall dahil maraming madlang people sa Manila ang naniniwala na si Fred ang papasok.
Ika nga, kayang - kaya ang tatlong kalaban.
Ibinida ni Lim, na mas gusto niya ang maraming kalaban para magkaalaman kung sino talaga ang iginagalang at minamahal ng mga taga - Manila.
Sabi nga, ako iyon !
Ipinagmalaki ni dating Senate President at pangulo ng PDP - LABAN Koko Pimentel ang tagumpay ng ‘womb to tomb’ program na inumpisahan ni Lim ipatupad sa Manila.
Ang banat ni Lim sa kanyang bagong program ay nagbigay ng libreng serbisyo para sa mahihirap, mula sa ipanganak ito hanggang matigok.
Isa pang hindi malilimutan ng mga taga - Maynila ang ginawa ni Lim na libreng college education ng ipatayo nito ang City College of Manila.
Bukod dito, hinangaan si Lim ng mga mahihirap sa ginawang pagmamalasakit nito ng maglagay siya sa 6 district ng Manila ng tig-iisang candy este mali mga ospital pala.
Ang mga itinatag ni Lim na hospital ay libreng medical services, admission, doctors at pati mga take home na mga gamot ay alaws bayad.
‘Libre nga !’ Ang gusto ni Lim noong alkalde pa siya sa Manila, basta magpagamot ang lahat ng may sakit lalo’t iyong mga kapus palad para gumaling at makakauwi sila ng maayos sa kanilang haybol upang makapiling ang kanilang mga pamilya at hindi iyong kakaba-kaba sa babayaran sa mga doktor, gamot at ospital.
Sabi nga, si Lim lang ang gumawa nito sa mga alkalde sa Maynila dahil kapado niya ang buhay mahirap.
Ibinida ni Pimentel, na kailangan si Lim sa administrasyon ni Boss Digong dahil alam nilang malaki ang maitutulong nito sa mga pobreng alindahaw sa Maynila.
Si Lim ay naging malandi este mali alkalde pala ng Maynila from 1992 up to 1998 at ito ay kanyang itinuloy at pinagbuti pang lalo nang muli siyang maging alkalde mula 2007 hanggang 2013.
Ika nga, iba si Lim...huwag lang madaya tiyak na panalo na.
Pinasalamatan din ng PDP-Laban si Lim na siyang dahilan kung bakit ang nasabing partido ay naging mas malaki at malakas sa Maynila.
Kaya naman ang mga miyembro ng KKK ang siya ngayong pundasyon ng PDP-Laban sa Maynila.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na kailangan ni Boss Digong ang malakas na kaalyado pagdating sa kampana este mali kampanya pala laban sa lahat ng klase ng kriminalidad partikular ang war on drugs.
Isa pang kinagustuhan ng madlang people sa Maynila ay hindi ito kurap at respetado ng mga pulis si Lim.
‘Ano ngayon ang mainam gawin kay Lim ?’ tanong ng kuwagong botante.
Sagot - huwag kalimutan ang pangalan, Fred Lim!
Abangan.