Ethics ni Bertiz III

SUERTE pa rin si OFW Partylist Rep. Anice­to Bertiz III dahil malaya itong nakaalis ng NAIA Terminal 2 departure area palabas ng Metro-Manila dahil hindi nalaman ng piloto ng eroplanong sasakyan nito na may ‘breach of security’ itong ginawa sa final security screening check-in counter.

May karapatan kasi ang piloto na hindi pasakayin ng eroplano si Congressman Bertiz sa kagaspangang ginawa niya nang duru-duruin niya ang isang security personnel ng Office of the Transportaion Security nang sitahin siya para maghubad ng sapatos.

May security protocol kasing pinatutupad sa NAIA at hindi lang ito rito kundi maging sa iba pang international airport.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inulan ng samu’t-saring batikos si Bertiz matapos mapanood ng madlang people sa social media ang kaangasang ginawa nito sa security scanning officer.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng  mahimasmasan si Bertiz ay dali-dali itong  humingi ng public apology sa pamunuan ng MIAA  partikular sa OTS personnel na dinutdut niya ng ID sa mukha dahil sa ginawa nitong paglabag sa security protocol sa NAIA.

Madalas sumakay ng eroplano sa NAIA si Bertiz pero nagkaroon ito ng isyu the other week sa airport kasi may  ipinatutupad na Security Condition Level 2 alert sa NAIA terminal 2 departure area sa lahat ng mga papaalis na pasahero todits.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bandang alas-6:45 am last September 29, 2018 nang dumaan sa final security screening ang kongresista subalit binalewala nito ang isang screening officer nang paghubarin siya ng toga at imbes na tumugon sa security procedures ay ‘dinuro’ at hinaras nito ang pobreng alindahaw.

Ika nga, iba ang power na ipinakita ni Congressman Bertiz sa mga ordinary security people.

Ipinagyabang pa ni Bertiz ang hawak na ID sa scanning security frisker dahilan upang umiwas na lamang sa kanya ang huli.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakita rin sa footage ang pagpasok at pagsunod naman ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na tanggalin ang kanyang sapatos habang isinasagawa ang security screening.

Ika nga, iginalang ni Imee ang ipinatutupad na security protocol hindi katulad ni Bertiz na maangas. Hehehe!

Ikinuento sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ni MIAA general manager Ed Monreal na kahit sinong passenger, mapa-babae o lalaki, bata o matanda, tomboy o bakla, may baktol o wala, kongresista o senador, mataas man ang antas sa lipunan maliban kay Boss Digong ay kailangang sumunod sa security procedures ng pambansang paliparan.

Sabi nga, kahit saang airport abroad ay may sariling pinatutupad na security protocol!

‘Naiintindihan mo ba ito Congressman Bertiz III?’ tanong ng kuwagong sakim sa kapangyarihan.

Kamakailan ay nag-trending ang nasabing kongresista sa social media dahil sa kontrobersiyal na speech nito sa nakaraang oathtaking ceremony ng mga engineer na hindi dapat bigyan ng PRC license kung hindi nila kilala si SAP Bong Go.

Naku ha!

Ano ba ito?

Ngayon tiyak may kalalagyan si Congressman Bertiz III dahil isasalang siya sa House Ethics Committee dahil sa pinaggagawa niya sa airport.

Sana may mag-reklamo para tumibay ang imbestigasyon at mabigyan ng karampatang parusa ang angas. Hehehe!

Abangan.

Show comments