^

PSN Opinyon

Ginipit sa P107 utang, P32K sapilitang bayad!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ANG utang ay dapat bayaran! Isang prebilehiyo kapag ikaw ay napautang ninuman. Kapag ika’y napagkalooban ng utang, puhunan mo rito, ika’y mapagkakatiwalaan. Marunong kang magbayad.

Ibang usapan kapag ang iyong inutang ay may colla­teral o seguridad. Sa transaksiyong ito, hindi ka pwedeng pumalya. May kahihinatnan at hindi magugustuhan ng nangutang kapag hindi siya marunong magbayad.

Sa BITAG Action Center, isang seaman, humingi ng saklolo sa panggigipit ng collection agency dahil lamang sa naiwang utang na P107.22 na hindi sinasadya.

Nabayaran naman ng pobreng seaman ang principal at interest na P54k sa loob ng tatlong buwan, subalit may naiwan pa raw na balanseng P107.22. Ipinasa sa collection agency ang balanseng naiwan. Makalipas ang 6 na buwan, dumating ang sulat ng collection agency. May pananakot at panggigipit na kailangan niyang bayaran ang kabuuang P32K na ang pinagmulan ay P107.22

Nakiusap ang pobreng seaman. Subalit ang collection agency, makulit pa kay Hudas, hindi siya tinigilan at tinakot na sasampahan ng kaso at posible raw siyang makulong. Nakipag-areglo at nakipag-usap ang seaman na pasampa na sana ulit ng barko. Pero hindi siya pina­kinggan, kaya pumunta na siya diretso sa BITAG Action Center sa Richwell Center, 102 Timog Ave, Quezon City.

Sa harap ng camera, dokumentado ang aking mga salita habang kausap ko ang collector sa telepono. Ako ang nag-iwan ng mensahe na may banta at hamon sa collection agency.

Mapapanood ang reklamong ito sa aming BITAG YouTube TV (BITAG Official). Nasa trending ngayon ng YouTube ang reklamong ito. Umani na ng halos 500 galit na reaksiyon ng mga nakapanood, dalawang araw pa lamang matapos itong mai-upload.

Nagdedeklara ng giyera ang BITaG sa lahat ng mga mapagsamantala at bastos na collection agency at estilo ng kanilang mga balasubas na kolektor!

Kung kayo’y nakaranas ng ganiting klaseng panggigipit, pananakot at pambabastos ng mga kolektor ng collection agency, lumapit agad sa BITAG Multimedia Action Center.

Panoorin ang nasabing reklamo sa BITAG YouTube TV https://youtu.be/PCtyuZuz3Oc. Mahalagang malaman ninyo ang magagawa.

COLLECTION AGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with