Mga kongresistang ‘USI’ (Usisero’t usisera)
BIG DEAL! Dahil sa isang simple at normal na routine, ‘di na naman magkamayaw ang mga pulpulitikong ang hobby ay gibain ang administrasyon.
O eto, bugtong-bugtong. ‘Yung isa na ang espesyalidad ay mag-ingay at magkiyaw-kiyaw sa lansangan, gustong makita ang resulta ng endoscopy at colonoscopy medical exam ng Presidente.
Kung tutuusin, wala naman talagang isyu pero dahil gustong makatawag ng pansin, kinakailangang paganahin ang kanilang pagiging usisero. Pati ang publiko, kinakasangkapan at ginagawang panangga nitong mga maka-kaliwang kongresista. Giit nila (para raw sa publiko), may karapatan silang malaman ang resulta ng medical check-up at estado ng kalusugan ng Presidente.
Hindi sila kuntento at sa malamang hindi rin pinaniniwalaan ang paliwanag ng Palasyo na isang routine medical check-up lang ang isinagawa sa Presidente at walang dapat ikabahala ang sinuman dito. Gusto kasing palabasin ng mga ‘to, kapit-tuko si President Duterte sa puwesto.
‘Yung iba naman, kunwari ay nag-aalala. Pero kung tutuusin nagpipista at nagdarasal, atat na atat makaupo agad sa kanilang paboritong lugaw – arroz caldo, champorado na kapares ay tuyo.
Sa mga bakbak nang bakbak diyan, kung wala rin lang kayong sasabihin na matino, maige pa’y manahimik na lang kayo. Puro kayo satsat at reklamo, akala mo naman may naiambag na kayo sa pag-unlad ng Pilipinas. Imbes na latag kayo nang latag ng problema, solusyon na lang ang ibigay n’yo eh di sana nakatulong pa kayo.
Eto pang isa, marami na sana ang nagbunyi kahapon sa akalang maghihimas na siya ng matatabang rehas... hindi na rin normal ang pinagsasabi. Aniya, dapat daw ay sa utak magpatingin ang pangulo?! Give me a break! Tsk tsk tsk
Kayong mga nagmamadali na may masamang mangyari sa Presidente, kayo na nga ang mauna at baka mas kailangan n’yo nang magpahinga!
- Latest