^

PSN Opinyon

Nanunuhol, tumatanggap ng suhol o nangongotong?

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

LANSANGAN. Repleksyon kung anong uri ng panga­nga­siwa ang pinatutupad ng kinauukulan sa nasabing komunidad, bayan o bansa. Ang kaayusan sa lansangan ay resulta ng maayos na pamamahala. Dalawang klase ng mga Pinoy ang matatagpuan sa lansangan, ang nanu­nuhol at tumatanggap ng suhol. Ang tanong, sino nga ba sa dalawa ang mauunang magpahiwatig ng motibo?

Madalas na idinadaing ng mga motorista ang tindi ng traffic sa bansa, partikular sa Metro Manila. Kaya naman ang bato ng sisi, sinasalo ng gobyerno at ng mga kasalu­kuyang nakaupo sa pwesto. Pero ang hubo’t hubad na katotohanan, ‘disiplina’ ang ugat ng problema. Dahil sa hindi pagsunod sa batas trapiko ng mga motorista, nagkakagulo sa kalsada. Simpleng traffic lights, isinasa-walang bahala pa. 

Malayo sa sitwasyon ng mga mauunlad na bansa tulad ng America. Kahit walang enforcer na nakatingin, sinusunod pa rin ang lahat ng batas trapiko dahil sa takot at ‘respeto’.

Dito sa Pinas, hindi uso ang matakot. Para sa mga motoristang lumabag sa mga batas trapiko at ayaw maistorbo, may paraang mabilis para maareglo - manuhol. Bigyan mo lang ng konting lagay, ‘ala na kayong dapat pag-usapan. Eto ang estilo ng mga gunggong at ma­angas na motorista.

May iba namang tagapag-patupad ng batas sa lansa­ngan, para wala nang mahabang usapan ay tatanggap na rin ang suhol. O di kaya naman, may intensiyon na talagang mangikil o mangotong. Bawat motoristang masisita, kikikilan ng kwarta. Ganoon pa rin ang motibo, iwas abala nga naman sa mga motorista. 

‘Wag na tayong magpaka-plastic at magbulag-bulagan. Malinaw pa sa sikat ng araw na may mga ganitong klaseng kalokohan sa lansangan. Kung minsan pa nga, nagmimistula na lang itong normal na kalakaran. Malinaw din sa batas na parehong may pananagutan ang motorista at enforcer na involved sa kalakarang ito. Pareho silang puwedeng kasuhan ng panunuhol at pagtanggap ng suhol. Ikaw sino ka sa mga ito? Nanunuhol, tumatanggap ng suhol o ‘yung nangongotong?

“EXTORTION turns a wise person into a fool, and a BRIBE corrupts the heart.” -Ecclesiastes 7:7

BEN TULFO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with