^

PSN Opinyon

Gobierno, ningas cogon sa mining operations

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG gusto nang ipahinto ng DENR ang mga small-scale mining operations sa Cordillera Administrative Region dahil may namatay na 54 madlang miners at 42 miners missing.

Sabi nga, aaksyunan ng gobierno ang mining operations sa Philippines my Philippines at ipatigil na ito matapos malaman na marami ang namatay at nawawala nang matabunan sila ng lupa?

Naku ha, kung kailan may disgrasiyang nangyari saka gumagalaw ang gobierno at dali-dali ang praise release nila sa madlang people. Hehehe!

Nagkaroon ng landslide sa Itogon, Benguet dahil sa hagupit ng bagyong si Ompong kaya naman may mga natabunan ng lupa at nangamatay doon.

Sabi nga, karamihan sa mga natigok ay mga minero at nakatira sa mga bunkhouses doon.

Dahil ganito ang nangyari para hindi masisi ang taga - gobierno nagbigay agad sila ng babala na ipasasara ang mining operations sa Philippines my Philippines.

Ika nga, pangtakip butas ang praise release?

Naku ha!

Ano ba ito?

Kaya tama si dating DENR bossing Gina Lopez na isara na ang mga mining industries sa Philippines my Philippines dahil ang mga may-ari lamang nito ang nakikinabang ng malaki at hindi ang gobierno at siempre ang madlang people.

Ano ang nangyari kay Gina nang pumalag ito sa gusto niyang mangyari?

Sagot - sibak sa puesto. Hehehe!

Kambiyo issue, the other day ay nagpalabas ng cease and desist order si DENR Secretary Roy Cimatu laban sa operasyon ng small mining sa nasabing lugar.

Binawi na pala ang temporary permits na ibinigay sa small scale mining companies?

Bakit ngayon lang?

Dahil ba may mga namatay?

Ano ba iyan?

Pakulo ng DA at DTI murang bigas at gulay?

IBINIDA ng pamunuan ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry, na ‘babaha’ diumano nang murang gulay at bigas sa Metro Manila at iba pang lugar sa Philippines my Philippines.

Sana totoo ang ibinibida?

Ilang oras kaya tatagal ang murang bilihin na ibinibida ng DA at DTI?

Sagot - until supply last? Hehehe!

Ika nga, from 7am to 2pm ang ‘murahan’ bentahan.

Saan?

Iyan ang ipagtanong ninyo sa DA at DTI?

Abangan.

MINING OPERATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with