^

PSN Opinyon

EDITORYAL - TRAIN Law ang dahilan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - TRAIN Law  ang dahilan

SA Enero 2019 ay ipatutupad ang ikalawang yugto­ ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN). Para hindi matulad sa unang TRAIN na ipinatupad noong Enero 2018 na umani ng batikos, binago ang pangalan at ginawang TRABAHO na ang ibig sabihin ay Tax Reform for Attracting Better and High Quality Opportunities. Nasa ikatlo at panghuling pagbasa na sa Kongreso ang TRABAHO o TRAIN 2 at siguradong ipatutupad na sa susunod na taon. Ang pagpapatupad nito ang inaasahang magiging daan para maisakatuparan ang “Build, Build, Build” program ng pamahalaan.

Nang ipatupad ang TRAIN 1, naramdaman ang pagsagasa nito sa mga pangunahing pangangaila­ngan ng mamamayan. Nagsimulang magmahal ang mga bilihin gaya ng bigas, sardinas, mantika, asukal, kape, gatas at iba pa. Mula Enero pa nagsimulang tumaas ang presyo ng bigas. Hanggang sa umabot na ng P70 bawat kilo ang commercial rice sa ilang probinsiya gaya sa Zamboanga. Ang matindi ay walang mabiling NFA rice sa maraming panig ng bansa. Nagkulang ang supply. Naubos ang bigas sa mga bodega ng NFA. Umangkat ang NFA ng bigas sa Thailand pero nang idi-distribute na, nakitaan ng bukbok.

Dahil sa TRAIN 1, tumaas ang excise tax ng petroleum products. Mula nang ipatupad ang TRAIN 1, hindi na mabilang ang pagtaas ng presyo ng gasoline, diesel, kerosene at LPG. Kamakalawa, muling nagtaas ng presyo ang petroleum products. Limang sunud-sunod na pagtataas mula pa noong Agosto at umano’y magtataas pa sa mga susunod na linggo.

Ang mataas na presyo ng gasoline at diesel ang dahilan kaya nagmahal ang mga bilihin. Ang kinikita ng mga karaniwang mamamayan ay hindi na makasapat sa taas ng mga bilihin. Tumaas ang inflation rate noong Agosto na umabot sa 6.4 percent. Sinisi naman ni President Duterte si US President Donald Trump sa pagtaas ng inflation.

Ang TRAIN law ang dahilan nang lahat. At kung ipatutupad ang ikalawang yugto nito sa 2019, paano na ang mangyayari sa mamamayan? Mas makabubuti kung suspendihin ang excise tax sa petroleum products para mapigilan ang pagtaas ng bilihin. Ang presyo ng gas ang nagdidikta sa lahat. Kapag gu­malaw ito, gagalaw lahat. Alisin muna ang tax sa gas!  

TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with