Nang magbiro si Father

BAWAT grupo o institusyon may kanya-kanyang prinsipyong pinaniniwalaan. Maaring may mga bagay na pinagkakasunduan ngunit mayroon ding mga usaping pinagtatalunan. Bagay na hindi natin maiaalis partikular sa pagitan ng simbahan at pamahalaan.

Di naman lingid sa kaalaman ng lahat ang alitan sa pagitan ng kasalukuyang administrasyon at ng simbahang katolika. Sa katunayan, maka-ilang ulit na silang nagpatutsadahan at nagparinigan kaya madalas silang laman ng balita.

Si President Digong harap-harapan kung bumirada, habang ang Simbahang Katolika idinadaan sa homily ng misa ang kanilang patutsada.

Nitong nakaraang Linggo, kumalat sa social media ang video ng misa ni Fr. Manuel Gatchalian at agad itong pinagpistahan ng taumbayan. Ang pari kasi nagbiro tungkol sa kalusugan ng Presidente.

“When our religion was lambasted and our God was disrespected, our Church tells us to pray. I said OK, I’ll pray, so I prayed that Digong (Duterte) would get sick.”

What the ‘F’! Did I hear it right? Mawalang galang na father, pero sa pagkaka-alam ko hindi trabaho ng isang alagad ng Diyos na ipanalangin ang ikapapahamak ng kapwa. Bagkus, kayo pa dapat ang nangunguna sa pagdarasal para sa kaligtasan ng bawat isa.

Pero sa mga narinig ko, baka kailangan mo munang magbalik sa seminarista. Di ko naman sinasabing wala kayong karapatan na magbigay ng opinyon. Pero sana iniisip niyo muna ang bawat letra at kataga bago kayo magbitiw ng salita. Isipin n’yo kung naayon ba ito sa mga bagay na ipinapangaral ninyo sa tao.

Kahit saang anggulo mo tingnan, di kailanman magiging tama na ipagdasal ang kapahamakan ng kaaway o ng kahit sino pa man. Lalo pa’t isa ka sa mga nanumpa na sundin ang kalooban ng Diyos at ipakalat ang kaniyang mga salita.

Mathews 5:43, “Love your enemies, bless those who curse you and forgive those who hurt you.”

Show comments