^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hamon kay Piñol

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hamon  kay Piñol

WALA raw krisis sa bigas sabi ni President Duterte. Itinatago lang daw ng mga gahamang negosyante ang bigas kaya nagkukulang at nagmamahal ang presyo. Kaya sa galit ng Presidente, inatasan niya ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na i-raid ang mga bodegang pagmamay-ari ng mga negosyante at samsamin ang mga bigas para hindi magkaroon ng shortage. Naghihintay lang ng direktiba ang DILG at PNP mula sa Presidente kung kailan ang pagsalakay.

Ilang buwan nang isyu ang kakapusan ng bigas at ang hindi bumababang presyo nito na nagpapahirap naman sa mga kakarampot ang suweldo. Lalo pang naging kontrobersiya ang isyu nang ang inangkat na tone-toneladang bigas ng National Food Authority (NFA) mula sa Thailand ay may mga bukbok. Hindi agad naipamahagi ang mga bigas sapagkat kailangang isailalim sa fumigation. Binatikos ang NFA sa bigas na may “bukbok” dahil maaari raw itong makasama sa kalusugan ng sinumang kakain. Sabi naman ng NFA, ligtas na itong kainin. Para mapayapa ang kalooban, sabay-sabay na kumain ng kanin ang mga taga-NFA.

Binatikos din si Agriculture Sec. Emmanuel Piñol sa suhestiyon nito na gawing legal ang rice smuggling para matustusan ang pangangailangan sa bigas. Hindi katanggap-tanggap ang payo ng Agriculture secretary na gawing legal ang rice smuggling at maski si President Duterte ay tutol dito.

Dapat maging hamon kay Piñol ang nangyaya­ring kakulangan sa bigas. Hindi ang pagsasa-legal ng rice smuggling ang susi para dumami ito sa merkado at hindi na kapusin kailanman. Kailangang mapaunlad at ma-manage nang husto ang mga saka­han sa bansa. Maraming nakatiwangwang na lupa na maaaring taniman ng palay. Kung tutuusin, hindi na kailangang umangkat ng bigas ang bansa kung magiging mahusay lamang ang pamamahala.

Payo namin kay Piñol, paghusayin ang irrigation system. Maraming pagkukunan ng tubig na padadaluyin sa mga sakahan. Tulungan ang mga magsasaka na makakuha nang magandang binhi ng palay para mataas  ang produksiyon. Pautangin ang mga magsasaka ng pambili ng fertilizer, insecticides at iba pang pangangailangan. Hamon ito kay Piñol.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with