^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hagupitin ang Kadamay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hagupitin  ang Kadamay

SA probinsiya naman nang-aagaw ng bahay ang militanteng grupong Kadamay. Sa kasalukuyan, isang housing project para sa mga pulis at sundalo sa Bacolod City ang inuukopa nila. Nang lusubin nila noong nakaraang linggo ang NHA project sa Bgy. Felisa, dala na nila ang mga gamit at bitbit ang mga bata. Desidido silang angkinin ang P162 million project.

Ayon sa mga opisyal ng NHA-Bacolod, may naka­takda na silang pag-uusap sa mga lider ng Kada­may kaya nagtataka sila kung bakit inukopa ang mga bahay. Ayon sa report, walong unit na ang naokupahan ng mga miyembro ng Kadamay. Mara­ming pulis ang nakabantay sa housing project.

Nag-umpisa ang pang-aagaw ng bahay ng Kada­may noong Marso 2017 kung saan 2,000 miyembro ang sumugod sa mga hindi pa natatapos na housing units sa Pandi, Bulacan. Ang mga housing units ay nakalaan para sa mga pulis at sundalo. Ayon sa NHA mayroon nang may-ari ang mga unit.

Katwiran ng Kadamay, nakatiwangwang lamang ang mga bahay kaya nila inokupahan. Kailangan daw nila ng bahay na masisilungan. Matagal na raw nilang hinihiling sa gobyerno na bigyan sila ng bahay pero hindi sila pinakikinggan. Kaysa raw mabulok ang mga bahay, titirahan nila ang mga ito.

Nagtagumpay ang Kadamay sapagkat kinampihan sila ni President Digong. Iniutos ni Digong na ipagkaloob na sa Kadamay ang mga unit at bibigyan na lang nang mas malaki ang mga pulis at sundalo.

Ang pagkampi ni Digong ang nagpatapang sa Kadamay kaya lumusob na naman ang mga ito sa iba pang NHA projects. Hindi na sila natatakot at “makapal na ang mga mukha”. Karapatan daw nila magkaroon ng masisilungan.

Nainis na si Digong sa inaakto ng Kadamay. Minsan­ nagbanta siya na iba-bazooka niya ang mga ito kapag nang-agaw muli ng mga bahay. Hindi raw siya nagbibiro. Gagawin daw talaga niya ito.

Ngayong sa Bacolod naman nang-agaw ng bahay­ ang Kadamay, dapat na ngang turuan ng leksiyon ang mga ito. Kailangang hagupitin na ang mga ito para malaman, na ang pagkakaroon ng sariling bahay ay hindi dinadaan sa pang-aagaw. Kailangang­ magsikap at magtiyaga sila para magkaroon ng desenteng tahanan.

NHA-BACOLOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with