^

PSN Opinyon

Kampanya ng BOC vs smuggling, ningas cogon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

BAKIT kaya hindi masawata ang smuggling sa Bureau of Customs? Hindi pa ba sapat na halimbawa ang pagdurog sa luxury cars na sinaksihan mismo ni Pres. Rodrigo Duterte at paggiling sa mga ukay-ukay na pinangasiwaan mismo ni BOC Commissioner Isidro S. Lapeña? Marami ang nanghinayang sa mga naturang puslit na kagamitan dahil malaking halaga ito kung maibebenta at mailalagak sa kaban ng bayan. Subalit ito ay illegal na dapat sawatain kaya minabuti ni Duterte na wasakin na lang kaysa ipasubasta dahil ang makikinabang lang nito ay ang mismong mga big time smuggler na sumisilong sa loob ng BOC. Malinaw na may kutsabahan ang mga smuggler at mga opisyales ng BOC na hindi alam ni Lapeña, di ba mga suki?

Sa ngayon kasi kapansin-pansin na ang ipinakikitang gilas ni Lapeña na halos araw-araw ay may natutuk­lasan siyang mga kontrabadong kargamento sa loob ng mga container katulad ng bigas, asukal at ang pinakahuli ay ang bultu-bultong shabu na bilyun-bilyon ang halaga. Sa tingin ng mga kausap kong Customs brokers ningas cogon lamang ang kampanya ng BOC laban sa smuggling dahil ang kaya lamang nilang salingin ay mga maliliit. Mula kasi ng mabulgar ang P6.4 bilyong shabu na ipinuslit ng drug syndicate noon sa panahon ni dating Comm. Nicanor Faeldon tanging si Taguba lamang ang nagdurusa sa bilangguan subalit sa mga BOC official ay walang naipasok sa selda.

May katwiran ang aking mga kausap dahil mula nang maupo si Duterte wala pa ni-isang smuggler ang natukoy at naparusahan. Kaya ang muling pagpasok ng droga na nakapaloob sa magnetic scrap lifter, mahihirapan na naman ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na amoy-amuyin at hanapin ang bultu-bultong shabu na ipinuslit ng sindikato. Ito rin kaya ang dahilan kung bakit pansamantalang nag-leave of absence si PDEA director general Aaron Aquino? Sa ngayon kasi pansamantalang nasa bakasyon si Aquino matapos na magkasalungat ang statement nila ni Lapeña. Tanging si Duterte lamang ang makakasagot niyan mga suki.

At habang nagliliwaliw si Aquino aba’y nagpakitang gilas naman si Lapeña matapos na sampahan ng kaso sa korte ang mga smuggler at drug importers. “The Bureau of Customs, led by Commissioner Isidro S. Lapeña, has once again filed on Thursday before the Department of Justice, five (5) criminal complaints against the importers of smuggled sugar and illegal drugs for violation of the Customs laws. A criminal charge for violation of Section 1401 (Unlawful Importation) in relation to Section 118 (g) (Prohibited Importation), pursuant to Section 4 and 5 of RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, was filed against the registered owner of Vecaba Trading, Vedasio Cabral Baraquel, who acted as the consignee for the importation of white crystalline substance identified as Methamphetamine Hydrochloride, more commonly known as “Shabu”. Red Star shipments were described in the manifest as packaging materials, kitchen utensils, and kraft paper but were found to contain refined sugar. Apart from misdeclaration, Red Star Rising Corporation has no import permit issued by the Sugar Regulatory Administration. Smuggling as Economic Sabotage Act against the responsible officers of Red Star Rising Corporation, namely: Dante P. Lunar, Leonardo C. Mallari, Richel Paranete Llanes, August Presillas Templado, and Bernie Abrina Rubia. With the recent developments involving abandoned containers, the Commissioner has made it a priority for all ports to expedite the disposition of abandoned containers, which might lead to the eventual discovery of prohibited or regulated goods”

Ayon ‘yan sa press statement na nakarating sa akin. Iyan ang aking aabangan mga suki, kung may kahinatnan nga ang pakitang gilas ng BOC.

ISIDRO S. LAPEñA

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with